Sweet Chili Sauce

A bottle of homemade sweet chili sauce and a small dish with sauce and a plate of lumpiang shanghai.

Isa sa mga paborito kong sawsawan ang sweet chili sauce. May tamis at anghang na saktong pag-terno sa mga pritong ulam, or snacks like fish ball, squid ball, at kikiam. Ang kagandahan ng sauce na to, napaksimple at bilis lang gawin. Pwede kang magluto ng just enough para sa kailangan mo or madami-dami para ma-stock mo sa fridge for later use.

So, the next time na maubusan ka ng branded bottled sweet chili sauce mo, don’t panic. With this simple sweet chili sauce recipe, may sawsawan ka na in a matter of minutes!

What Is Sweet Chili Sauce?

Ang sweet chili sauce ay isang uri ng sawsawan na may kombinasyong tamis at anghang with tanginess that works perfectly with your fried dishes. Gawa sa suka, sugar, chili, garlic, at seasonings na pinalapot gamit ang cornstarch slurry. Nangingibabaw ang tamis nito at mas mild ang anghang compared sa chili sauce or chili paste.

How To Use

Maraming pwedeng paggamitan ng sweet chili sauce kaya sulit din naman na alam mo kung paano gumawa nito.

For dipping sauce: Perfect sawsawan ng mga paborito mong fried ulam gaya ng pritong manok, lumpiang shanghai, breaded porkchop, at iba pa. Aside from spiced vinegar at matamis na sawsawan, pwedeng-pwede mo rin isama ito among dipping choices para sa fish ball, squid ball, at kikiam.

For sweet and sour dishes: Kapag nagluluto ng sweet and sour dishes, like for instance escabecheng isda, pwede mong gamitin ang sweet chili sauce para mas mapadali ang pagluluto mo. Halip na magtitimpla ka ng separate mixture para sa sauce, simply pour over this sauce sa sauted onion, garlic, bell pepper, and carrots. Let it simmer to cook the veggies, thicken it with cornstarch slurry kung di pa enough ang lapot para sayo, and then simply pour over sa fried fish or fried pork.

For glazing: Aside from dipping sauce, pwede mo ring i-toss ang fried chicken sa sauce na to hanggang sa ma-coat ang bawat chicken pieces. This particularly works with popcorn chicken or fried chicken wings. Pwede din naman sa fried pork cutlets na hiniwa into serving pieces.

For marinade: Kapag mag-iihaw or magpiprito ng chicken or pork, pwede mong ihalo ang sweet chili sauce sa marinade mo. This will give it that sweet, tangy, and mild spicy flavor. Keep in mind lang na huwag lalakasan ang apoy or baga kapag niluluto mo na ang protein dahil since matamis ang sauce na to, madali itong masusunog.

For stir fry or sauce base: Instant flavor booster ang sweet chili sauce sa stir fry veggies mo. Simply pour over kapag malapit nang maluto ang gulay (for example, a combination of carrots, broccoli, and snap peas or sitsaro). Toss everything together and then simply serve as is or with rice. Pwedeng-pwede din sa stir fried noodles or kapag gumagawa ka ng sauce para sa tofu with chicken and mushroom dish mo.

Super Easy Sweet Chili Sauce Recipe

Bukod sa simple lang ang mga ingredients, madali at mabilis lang ding gawin ang sweet chili sauce recipe na to. Pwede kang gumawa ng madami at i-stock mo lang sa fridge para anytime na kailanganin, available na sya agad. Pero kung gusto mo naman ng freshly-made, pwedeng pwede rin dahil in 15 minutes makakapagluto ka talaga ng sweet chili sauce.

Ingredients for the homemade sweet chili sauce recipe laid out on a marble kitchen tower.

Sweet Chili Sauce Ingredients

Gaya nga ng sabi ko napakasimple lang ng sangkap na kakailanganin mo para sa sauce na to:

Water – Magsisilbing pinaka-base ng sauce.

Vinegar – Nagbibigay ng tangy flavor, pambalanse ng tamis at anghang, and also acts as natural preservative.

Sugar – Para tumamis ang lasa ng sauce. Preferably, white, para mapanatili ang mapulang kulay ng sauce.

Banana ketchup – Bukod sa pandagdag umami flavor, ito rin ang nagbibigay ng red tint sa sauce.

Chili flakes – Nagbibigay ng anghang at flavor. Pwede din naman gumamit ng fresh chili na ginayat ng maliliit. Pwede mong i-adjust kung gusto mong mangibabaw ang anghang.

Garlic – Para magkaroon ng kakaibang bite ang sauce. Up to you kung gusto mo ng mas matapang na garlic taste, pwede mong dagdagan.

Soy sauce – Bukod sa umami flavor, nagsisilbi ring panimpla ng alat at pangtulong para maging deeper red ang kulay ng sauce.

Salt – Para mabalanse ang tamis, anghang, at asim. Pwedeng omit na ang soy sauce at salt na lang ang gamiting panimpla ng alat.

Cornstarch – Bukod sa nagsisilbing pampalapot, nakakatulong din to para maging glossy ang appearance ng sauce.

How To Make Sweet Chili Sauce

Kung nakagawa ka na ng sweet and sour sauce, pretty much the same ang procedure. Pagsasama-samahin mo lang sa sauce pan ang mga ingredients except cornstarch. Give it a quick stir at isalang sa kalan. Medium heat lang para gradually ang pagkulo.

Tandaan, huwag ng hahaluin from here on up until kumulo ng 2-3 minutes para hindi ‘mahilaw ang suka.’ It basically means para maluto ng maayos ang suka at maalis ang matapang na asim nito.

After 3 minutes or so, pwede mo nang tikman ang sauce. This is your chance to adjust the taste base sa preference mo.

Kapag sakto na ang lasa, gawin na ang slurry. Mix mo lang sa 2 tsp water ang cornstarch at ihalo ng dahan-dahan sa sauce.

Let it simmer for 1 or 2 more minutes and then you’re basically done!

A bowl of homemade sweet chili sauce with a plate of lumpiang shanghai and bowl of rice at the back.

Cooking Tips

Kung ngayon ka pa lang magta-try gumawa ng sweet chili sauce, huwag kang mag-alala dahil kahit newbie sa cooking kayang-kaya to. Relax ka lang dahil very forgiving ang sauce recipe na to. It’s actually very hard to screw it up! Seryoso! Have faith, anak!

But to make you feel more at ease, here are some tips for cooking sweet chili sauce:

Para hindi ‘mahilaw ang suka’

Once na napaghalo-halo mo na lahat ng ingredients except yung conrnstarch, at sinalang mo na sa kalan – let it be. Hayaan mo lang sya sa medium heat at intayin at hayaan mo lang kumulo ng about 2-3 minutes. Huwag mong hahaluin para hindi mahilaw ang suka. After nun, ayun pwede mo nang haluin at tikman.

How to adjust the taste

Sa lasa naman, up to you na kung paano mo gustong i-adjust. Let’s say nakukulangan ka sa asim (sympre magkakaiba naman ang klase at brand ng suka ang ginagamit natin), dagdagan mo lang ng suka. Just remember though, na hayaan mo muna syang kumulo at maluto, bago mo ulet tikman.

Kung alat naman ang nakukulangan ka, pwede kang magdagdag ng asin. Pwede din ang toyo pero gusto sana natin mas red ang kulay ng sauce kaya mas pabor tayo sa asin.

Para unthentic ang ichura

Para sa akin appetizing tingnan ang sweet chili sauce kapag nakikita mo talaga yung chili bits or flakes at buto ng sili. Pero up to you na kung ayaw mo naman nung sobrang anghang. (Lalo na at sweet chili sauce naman to…not necessary super spicy.)

With or without garlic

Kung di mo bet ang lasa ng garlic, pwede mo naman huwag lagyan. In fact, may mga sweet chili sauce recipe na wala namang bawang. It’s just that may kaka-ibang kick na dala ang garlic. Kung ang issue mo naman is ayaw mo lang nakakagat yung garlic bits, then I suggest na i-grate mo ang bawang instead na minced. Kung may mortar and pestle ka, pwede mo rin syang dikdikin.

How to nail the consistency

As to thickness ng sauce, pwede mong dagdagan ang slurry mix mo. Just remember na 1:2 ang ratio ng cornstarch to water. At keep in mind din na mas lalapot pa ang sauce kapag lumamig na yan. So, tantyahin mo din ang consistency, kung masyado na syang malapot habang nasa kalan pa, mas magti-thicken pa yan kapag nakalamig na.

Para sa akin effective ang spoon test to attain the right consistency. Simply dip the spoon in the sauce and if it covers the back of the spoon then it’s all good.

How To Store

Kung naparami or sadyang marami ang niluto mong sweet chili sauce, make sure na airtight ang paglalagyan mong container para mas magtagal ito sa ref. Pwedeng umaabot ito ng up to 2 weeks basta properly stored sa refrigerator. Yung iba, up to a month or even longer lalo na kung nasa freezer.

Basta siguraduhin mo lang na napakuluan ng maayos ang sweet chili sauce, na tuyo at airtight ang bote or container na paglalagyan, at palalamigin muna completely bago ilagay sa ref.

Make sure din na gumagamit ng fresh spoon kapag kumukuha ng sauce sa lalagyan to avoid contamination. At kung may sumobra sa kinuha mong sauce, huwag mo nang ibabalik yan sa bote, anak! Hayaan mo nang masayang kesa buong bote ng sweet chili sauce ang ma-compromise.

The thing is you never know, kung lahat ng kumuha ng sauce ay gumamit ng malinis na spoon or kung ibinalik ba nila sa ref ang sauce afterwards or tumengga muna ng bongga sa lamesa saka lang ibinalik sa ref. This is why it’s important na be on the lookout din kung may nabago na sa sauce mo. Kung naiba na ba ang kulay, ang amoy, or ang lasa. At lalo na kung meron ng mold!

a sketch of Inang Maria

Ready to cook?
The full ingredients and step-by-step instructions are in the recipe card below.

A bottle of homemade sweet chili sauce and a small dish with sauce and a plate of lumpiang shanghai.

Sweet Chili Sauce

Sobrang daling gawin na homemade sweet chili sauce. Sweet, tangy, and mildly spicy. Serve as a dip or sauce for your fried snacks or drizzle it over your favorite dishes.
Prep Time 5 minutes
Cook Time 10 minutes
Total Time 15 minutes
Servings: 8

Ingredients
  

  • 1 cup water
  • ½ cup vinegar
  • 4 tbsp white sugar
  • 4 tbsp banana ketchup
  • 1 tsp chili flakes
  • 1 tsp red chili (finely chopped)
  • ½ tsp minced garlic
  • ½ tsp soy sauce
  • ½ tsp salt
  • 1 tsp cornstarch (for slurry)

Method
 

  1. Pagsamasamahin lahat ng ingredients sa small sauce pan, except cornstarch.
    Haluin ng bahagya para ma-dissolve ang sugar. Bring it to a boil and let it be for 2-3 minutes. Tandaan, huwag hahaluhin para di ‘mahilaw ang suka.’ Kapag kumulo na, pwede nang haluin at hayaan lang mag-simmer for 6-7 minutes. Then tikman.
    Adjust the taste depende sa panlasa mo. Kung type mo nang mas matamis, add more sugar or banana catsup. Kung type mo ng mas maanghang, add more chili flakes (or chopped red chili). Kung gusto mo yung mas may ‘bite’ magdagdag ng suka or minced garlic.
  2. Thicken the sauce.
    Para makagawa ng slurry, dissolve cornstarch in 2 tsp water. Add slowly to your sauce while stirring continuously. Let it simmer for 1 minute and then it’s done!
    Pwede mong i-adjust ang lapot nito by adding more slurry. Just keep in mind, though, na mas lalapot pa yan kapag lumamig na.