Sweet and Sour Sauce

a bowl of homemade sweet and sour sauce with fish balls and kikiam at the back

Kung mahilig ka sa sweet and sour dishes, then this is for you. Kapag meron ka nito halos half-way done ka na sa dish mo. Sakto din kung trip mo ang sweet and sour sauce na pang-sawsawan. No need na bumili pa ng ready-made sauce kapag naubusan ka sa bahay dahil quick and easy lang ang paggawa nito.

For this sweet and sour sauce recipe, simple lang ang mga ingredients. Kung may suka, sugar, at kechup ka, along with spices and seasonings, then konting mix-mix lang at meron ka ng sweet and sour sauce.

What Is Sweet and Sour Sauce?

Ang sweet and sour sauce ay isa sa mga paboritong sarsa ng mga pinoy na may naghahalong tamis at maasim na lasa. Karaniwang ginagamit ito sa mga mga Chinese-inspired dishes like sweet and sour pork, chicken, or fish. Very common since the Middle Ages sa mga Asian at Western cuisines.

Depende sa sweet and sour sauce recipe, pwedeng gumamit ng ibat ibang ingredients na pampaasim at pangpatamis. Yung iba gumagamit ng pineapple (both the juice and the fruit), and lime or lemon juice, halip na vinegar. Minsan a combination of these. But basically, you need a sweet and souring agent then seasonings, and then a thickening agent.

How To Use This Sauce

Maraming pwedeng paggamitan ng sweet and sour sauce kaya practical din naman talaga na marunong kang gumawa nito.

For sweet and sour dishes:

Halip na magtitimpla ka ng separate mixture for the sauce, eto ihahalo mo na lang sa ginisang bell pepper or carrots (for example), let it simmer, and you’re done! Simply pour over sa pritong isda, pork, or chicken. (Pwede din naman na pakuluan yung fried protein mo sa sauce.) Kung may left-over pritong tilapia ka, you can easily make escabecheng isda.

Pwede mo din ihalo ang sweet and sour sauce sa stir-fry veggies bilang pampalasa. Or pour over sa popcorn chicken, gently mix, and then serve.

For marinade:

Gamitin bilang marinade, aside from the flavor nakakatulong din ang sweet and sour sauce na to para matenderize ang chicken or pork mo. Hinay-hinay lang sa lakas ng apoy or baga sa pagpiprito or pag-iihaw dahil madali itong masunog because of the sugar content.

For dipping sauce:

Straight up sawsawan ng pritong lumpiang shanghai, fish balls, squid balls, kikiam, at ibang pang fried snacks. A great alternative or pangpadami ng dipping choices in addition to your sukang sawsawan or sweet chili sauce.

Two-Step Sweet and Sour Sauce Recipe

Literal na madali lang gawin ang sweet and sour sauce recipe na to. Two-step ang tawag ko dahil after mo ma-prepare ang mga ingrdients, pagsasamasamahin mo lang lahat aside from cornstarch slurry, then pakuluan at palaputin.

Homemade sweet and sour sauce ingredients laid out on a marble countertop.

Sweet and Sour Sauce Ingredients

For this sweet and sour sauce recipe, kailangan mo ng vinegar, sugar, ketchup, soy sauce, garlic, black pepper, at cornstarch. Meron ding chili flakes para may konting anghang.

Pwede ka namang mag-improvise kung kulang ka sa ingredients.

Let’s say wala kang ketchup, pwede din ang tomato sauce, dagdagan mo lang ang sugar dahil bukod sa medyo maasim ang tomato sauce, hindi rin to matamis gaya ng ketchup.

Pwede ka ding gumamit ng pineapple juice (or pati fruit) para pampatamis at pangdagdag flavor na din.

Preferably, brown sugar ang gamit ko, pero kung white sugar ang meron ka, keri na din yan.

Kung di mo bet ang lasa ng garlic pwede mong tanggalin, but I highly suggest na tikman mo muna with garlic and then if talagang di mo nagustuhan you can omit it later.

Kung wala kang chili flakes, pwedeng-pwede of course, ang fresh chili. (Actually, mas madalas lang kase na may chili flakes ako kaysa fresh chili, kaya yun ang gamit ko.) Optional lang din to. Pwedeng literal na sweet and sour lang talaga.

Kung naubusan ng cornstarch, pwede naman ang flour para sa slurry. Mas shiny or glossy lang ang sauce kapag cornstarch ang gamit pero lalapot pa din naman yan kahit flour ang ginamit mo.

How To Make Sweet and Sour Sauce

Again, napakadali lang talaga gawin ng sauce na to. Isa ito sa mga two-step recipes na paborito ko.  Pagsasamasamahin mo lang lahat ng ingredients except cornstarch at lulutuin mo na. Pagkatapos tikman, papalaputin mo na gamit ang cornstarch slurry.

O diba, ang dali lang. Perfect nga to sa mga newbie cooks eh. Bukod sa madali at mabilis lang syang gawin, pwedeng-pwede na syang maggamit sa paggawa ng ibang dishes. Imagine kung meron ka niton sa bahay, you’re practically halfway to making a sweet and sour dish.

A bowl of homemade sweet and sour sauce with a plate of fish balls at the back.

Sweet and Sour Sauce Cooking Tips

No worries kung ngayon ka pa lang magta-try na gumawa ng sweet and sour sauce. I consider it a very forgiving sauce recipe. In fact, here are some tips para mas maging confident ka kahit first try mo pa lang:

  • Kapag napagsamasama mo na ang mga ingredients sa sauce pan at isinalang mo na sa kalan, let it be. Huwag mo munang hahaluin hanggang sa kumulo ng up to 2-3 minutes para hindi mahilaw ang suka. After that saka mo sya haluin at tikman.
  • Kung gusto mong samahan ng pineapple bits (aside from pineapple juice), it’s best na hiwain ito ng maliliit. That way, mas mabilis magbe-blend ang mga flavors. Medyo pataanan mo din ang sugar na ilalagay dahil matamis na ang pineapple.
  • Kapag natikman mo na ang sauce at nakukulangan ka sa asim, pwede mo naman syang habulan ng suka – just remember na hayaang kumulo ng about two minutes bago mo haluin para hindi mahilaw ang suka.
  • Kung nakukulangan ka sa alat, pwedeng dagdagan pa ang toyo or kaya ay asin kung ayaw mong masyadong magkakulay ang sauce mo.
  • Kung type mo yung kick coming from garlic pero di mo bet na nakakapa or nakakain mo yung mismong garlic bits, pwede mo i-grate ang bawang o kaya ay gumamit ng mortar and pestle.
  • Up to you kung gaano kalapot ang sauce na gusto mo. Kung nakukulangan ka, pwede mong dagdagan ang cornstarch. Pwedeng 1:1 or 1:2 ang cornstarch to water ratio mo.
  • Keep in mind, na kung malapot na ang sauce mo after adding the slurry, mas lalapot pa yan kapag lumamig na. Pataanan mo din. Targetin mo yun just enough thickness na it covers the back of your spoon or ladle para kapag lumamig na yan, then sakto na ang consistency.
  • Make sure na tuyo ang airtight na bote or container na paglalagyan mo ng sauce. Makakatulong ito para lalo pang humaba ang shelf-life ng sauce mo.

How To Store This Homemade Sauce

Matagal naman ang inaabot ng homemade sweet and sour sauce. Umaabot ito ng up to 2 weeks sa refrigerator, or even longer, lalo na kung sealed talaga ang container na ginamit mo.

Make sure rin na nakuluan ng maayos ang sauce. This is also why it’s best na minced ang garlic at smaller bits talaga ang pineapple (if opting to use this fruit) para sigurado ka na nakuluan ng maayos ang fresh ingredients mo.

Importante din na laging gumamit ng fresh spoon or teaspoon kapag kukuha ka ng sauce para maiwasan ang food spoilage.

Para makasigurado, be on the lookout din kung naiba na ang ichura nya, ang consistency, at ang lasa. If in doubt, toss it out. It’s not worth it na i-risk mo pa lalo na at napakasimple at napakadali lang gumawa ng sweet and sour sauce.

a sketch of Inang Maria

Ready to cook?
The full ingredients and step-by-step instructions are in the recipe card below.

a bowl of homemade sweet and sour sauce with fish balls and kikiam at the back

Sweet and Sour Sauce

Sweet, tangy, at madaling gawin na homemade sweet and sour sauce. Perfect iterno sa lumpia, fried chicken, fish, and other ulam favorites.
Prep Time 5 minutes
Cook Time 10 minutes
Total Time 15 minutes
Servings: 8

Ingredients
  

  • 1 cup water
  • ½ cup vinegar
  • 4 tbsp brown sugar
  • 4 tbsp banana ketchup
  • 2 tbsp soy sauce
  • 1 tsp minced garlic
  • ½ tsp ground black pepper
  • ½ tsp chili flakes (optional)
  • 1 tsp cornstarch (for slurry)

Method
 

  1. Pagsamasamahin lang lahat ng ingredients sa sauce pan, except cornstartch.
    Give it a little stir para ma-dissolve ang sugar. Bring it to a boil and let it be for 2-3 minutes, huwag hahaluhin para di ‘mahilaw ang suka.’ Hayaan lang mag-simmer for 6-7 minutes. Then tikman.
    Adjust the taste depende sa trip mo. Kung gusto mo na mas nangingibabaw ang tamis, add more sugar. Kung type mo naman ang mas maanghang, add more chili flakes or chopped red chili. Kung gusto mo yung mas may ‘bite’ add more suka or minced garlic.
  2. Thicken the sauce.
    Dissolve cornstarch sa 2 tsp water para makagawa ka ng slurry. Then slowly add to your sauce while stirring continuously. Simply let it simmer for 1 more minute and then it’s done! Kung gusto mo ng mas malapot, pwedeng magdagdag ka pa ng slurry. Keep in mind though, mas magti-thicken yan kapag lumamig na.