May mga araw na gusto mo lang ng simpleng ulam, pero yung may dating pa rin naman. Pasok dyan ang escabecheng tilapia recipe na to. Pritong tilapia na niluto sa sweet and sour sauce na sinahugan ng sibuyas, carrots, at bell pepper.
Bukod sa simpleng ingredients, very budget-friendly din ang tilapia mismo. So, kahit araw-arawin mo pa, walang problema. Napakasimple lang din lutuin, so kahit newbie ka pa sa kitchen, I’m pretty sure kayang kaya mo to gawin.
What is Escabecheng Tilapia?
Ang escabecheng tilapia ay isa sa mga classic Filipino dishes. Ginamitan ito ng sweet and sour sauce na either ibinubuhos lang sa pritong tilapia, or pinapakuluan mismo sa sauce ang isda. May veggies and spices din, so perfect sa mga batang bago-bago pa lang ini-introduce sa gulay. And since mahilig tayo sa masabaw or ma-sauce na ulam, sakto talaga ang escabecheng tilapia recipe na to.
Escabecheng Tilapia Recipe
Isa ito sa pang-araw araw na dish na nasa listahan ko (by pang-araw araw, I meant yung everyday ulam, yung pang ordinaryong days lang). Bukod nga sa kadalasan meron ako ng mga ingredients na kailangan, napakadali pang lutuin.
Patok din ang escabecheng tilapia recipe na to sa mga begets. Perhaps kase manamis-namis plus may crunch din ang isda. So perfect, may crispy aspect, na alam naman natin na patok sa mga bata, and then may ‘sabaw’ na bet nilang nilalagay sa kanin.
And although gusto ko syang niluluto pang-araw araw, pwede din syang pang may okasyon. Simply replace the fish with something kakaiba, yung medyo pang-malakasan din, like lapu-lapu o kya ay pampano.
At kapag gusto mong mag-repurpose ng tirang pritong isda sa ref, sakto din ang escabecheng tilapia recipe na to. Instead of tilapia, gamitin mo lang kung anumang isda ang tira mo dyan (bangus, galunggong, dalagang bukid). Lutuin mo lang ang sweet and sour sauce at ilagay ang isda saka pakuluan. No need na iprito ulet.

Escabecheng Tilapia Ingredients
Para sa escabecheng tilapia ingredients, kaunahan ang tilapia sympre. Very common na kasama ang isda na to sa typical weekly palengke list. You’ll also need ginger, carrots at bell peppers na hiniwa ng pahaba na maninipis (julienned). Kailangan mo din ng sibuyas at bawang sa paggigisa.
Para sa pinakasauce, you’ll need banana ketchup, asukal, suka, at tubig. At para sa seasonings, kailangan mo ng asin at paminta.
Ang isa pang kagandahan ng escabecheng tilapia recipe na to, pwede kang mag-substitute sa mga ingredients. So, huwag basta-basta magpanic kung di kompleto ang pang-sahog mo.
For instance, instead of banana ketchup, pwede din naman gamitin ang tomato ketchup kung yun ang meron ka. Pwede din ang tomato sauce. Just keep in mind lang na kailangan mong i-aadjust ang tamis ng escabeche mo. You need more sugar. Ang banana ketchup kase matamis na agad compared sa tomato ketchup or tomato sauce na may dalang asim.
Kung wala kang carrots or bell pepper, substitute mo ang achara. Actually, mas okay nga ito dahil may pagka sweet and sour na ang achara to begin with.
Pwedeng-pwede din ang flour kung wala kang cornstarch, lalapot pa din ang sauce nyan kahit hindi cornstarch ang ginamit mo.
Paano Magluto ng Escabecheng Tilapia
Pwedeng sa una ma-intimidate ka, sa pangalan pa lang, escabeche. Tunog Spanish. Well, it is in fact originally from Spain. But of course, this one is the Filipino version. So, huwag mahihiyang mag-try kung paano magluto ng escabecheng tilapia. Promise, madali lang. Kailangan mo lang i-prito ang isda, gawin ang sweet and sour sauce, and presto – may escabecheng tilapia ka na.
Kapag naprito mo ng maayos ang tilapia, you’re half-way there na. Tips para sa mga baguhan pa lang nagluluto, make sure na mainit ang pan bago lagyan ng mantika. Para di dumikit ang isda, siguraduhin na mainit ang mantika bago mo ito ilagay. Be patient, anak! Wag sundot ng sundot, lalong madudurog yan. Leave your tilapia alone for a good 4-6 minutes (depende kung gaano kalaki ang tilapia). Medyo makikita mo naman sa gilid kung naiiba na ang kulay. And another clue kapag di pa ready ang tilapia na bilingin or baligtarin? Nakadikit pa yan. Di yan sha mag-mu-move.
Well, different story kapag non-stick pan ang gamit. Mas forgiving ang pan na non-stick sympre. Kung nabiling mo ng di pa masyadong luto, you can simply flip it back.
Sa pagluluto naman ng sauce, kailangan mo lang gisahin ang luya, sibuyas, at garlic. Then ilagay ang ketchup, tubig, at asukal. Haluin ng konti at ialgay na ang suka. Let it boil for a good 3-5 minutes. Then timplahan at tikman pagkatapos. Kung okay na ang lasa, ilagay ang carrots at bell pepper na hiniwa ng pahaba at maninipis (julienned), hayaang maluto. Last minute, ilagay ang cornstarch slurry (cornstarch na nilusaw sa kaunting tubig), para lumapot ang sauce.
Pwedeng ibuhos mo lang ang sweet and sour sauce mo sa pritong tilapia para meron pa ding crunch yung isda mo. Pero pwede mo ring pakuluan ang tilapia sa sauce mismo. Actually, mas preferred ko to. Mas nanunuot ang lasa ng sarsa sympre. Up to you na, try both and see kung alin ang mas bet mo.

Escabecheng Tilapia Cooking Tips
Very simple ang dish na to pero para masigurado natin na wagi ang escabeche mo, check out these tips:
Let the vinegar cook.
Kapag nilagay mo na ang suka sa dish mo, remember to let it cook without stirring. Hayaan mo lang syang kumulo ng about 3-5 minutes bago mo galawin. This way, mas masarap ang asim na matitira sa dish mo.
Para mapabilis.
Kapag may sweet and sour dipping sauce or homemade sweet chili sauce ka, gamiting mo na, para mapabilis ka. Eto na ang base ng sauce mo. Konting adjust-adjust na lang sa timpla depende sa bet mong lasa. Mas flavorful pa nga lalabas ang sauce mo dahil marinated na to sympre sa mga spices and seasonings.
May achara ka.
Kapag may achara ka sa ref, pwede mo syang gamitin sa paggawa ng sweet and sour sauce mo. Kahit hindi mo na lagyan ng carrots at bell pepper, pwede na dahil bukod sa shredded ampalaya, may carrots din at bell pepper ang achara. At since may pagkasweet and sour na ang achara, konting adjust na lang ang gagawin mo. From experience, nagdadagdag na lang ako ng konting ketchup para magkakulay.
Gamitin ang tirang tilapia.
Kapag may tira kang pritong tilapia sa ref – I know, minsan talaga sinasawaan din tayo sa ulam. So bago pa manigas yan sa ref, bigyan mo ng bagong bihis! simply re-purpose it at gawing escabeche. Gagawa ka na lang ng sweet and sour sauce and then simply add your tirang pritong tilapia.

Escabecheng Tilapia
Ingredients
Method
- Iprito ang tilapia.Lagyan ng asin at paminta ang isda and then iprito. Set it aside.
- Lutuin ang sweet and sour sacue.Sa mainit na mantika, igisa ang luya, sibuyas, at bawang. Isunod na ilagay ang ketchup, tubig, at asukal. Haluin hanggang malusaw ang auskal. Now, ilagay na ang suka. Hayaang kumulo ng 3-5 minutes bago galawin or hanguin. This way maluluto ng husto ang suka at hindi ‘mahihilaw’ (mas masarap ang asim na matitira sa dish mo).After 3-5 mintues, timplahan ng salt and pepper, hayaang kumulo. Tikman to see if kailangang i-adjust ang lasa. Up to you na, kung gusto mo ng medyo spicy, dagdagan ang paminta. Kung gusto mo yung obvious ang tamis, dagdagan ang asukal. Kapag sakto na sa panlasa mo, ilagay na ang carrots at bell pepper. Kapag luto na ang veggies, ilagay na ang cornstarch slurry mo at haluin hanggang lumapot.
- Pour on or Simmer in.Ibuhos na ang sweet and soursauce mo sa pritong tilapia. Now ready to serve na with kaning mainit. Pwederin naman na pakuluan mo ang pritong isda sa sweet and sour sauce mo. This waymas lalasa ang sauce sa tilapia. Simply let it simmer for a minute or two andthen serve.




