Another pinoy favorites, pork lumpiang shanghai! Karaniwan na sa handaan or kapag may mga gathering. Madali lang sya gawin actually plus simple lang din ang mga pork shanghai ingredients. Ang pagbabalot ang medyo matrabahong gawin kaya kailangan talaga ng patience. That said, mabilis naman ang pagluluto, so quits na din.
Wala pa yata akong nakikilala na hindi kumakain ng pork lumpiang shanghai – well, unless hindi talaga kumakain ng baboy. Otherwise, how can you say no to crispy lumpia, right?
The Lumpia Origins
Bakit nga ba lumpiang shanghai? You’d think it has Chinese origin dahil Shanghai (China). Pero as it turns out, combination pala ito ng Mexican Hispanic and Filipino-Chinese culinary influence na resulta ng Spanish Galleon trade. Lumpia originally is the Filipino version of Mexican’s taquito.
Nung una daw, tortilla na gawa sa corn flour ang ginagamit na pambalot. That is until inintroduce ng mga negosyanteng Chinese migrants ang lumpia wrapper na gawa sa rice flour. At fan fact: ga-ruler pala ang original na haba ng lumpiang shanghai! Pero para mas convenient kainin ginawa na lang syang finger-size.
At sa kung bakit pork lumpiang shanghai? Dahil ang dami na kaseng version ng lumpia ngayon. Merong fish lumpiang shanghai, lumpiang sariwa, lumpiang toge, lumpiang dynamite, at meron pang turon! But generally, kapag sinabing ‘lumpia’ it means lumpiang shanghai yan.
Pork Shanghai Recipe
Para kanino nga ba ang pork shanghai recipe na to? Sa mga nagpaplano ng menu para sa special na okasyon. Sa mga nag-iisip ng dadaling potluck sa gathering. Sa mga may bagets sa bahay na choosy sa ulam at gusto lagi ay ‘crispy.’ Sa mga gustong mag-meal prep para may naka-ready laging ulam sa freezer. And quite frankly, sa mga mahihilig sa crispy fried food! Yes, para sa inyo ang pork shanghai recipe na to!

Pork Shanghai Ingredients
Totoo naman na napaka simple ng pork shanghai ingredients. Kung may baboy na giniling ka, plus bawang at sibuyas, and carrots – magkaka-talo-talo na! Kitchen staple naman ang salt and pepper, toyo, at flour, so keri na talaga. Kailagan mo na lang sadyain bilin ang lumpia wrapper.
Additional or optional na lang kung gusto mo lagyan ng celery. Sasabihin ko sana mas masarap, pero depende rin kase sa taste mo yan. But ako, I love the taste ng celery sa pork lumpiang shanghai.
Ang egg ang pinaka-binder mo together with flour, pero honestly, I’ve cooked pork shanghai without it before (naubusan ng egg eh, panung gagawin, so wala na na lang egg). Nilagyan ko na lang ng konting flour. Or ng instant oatmeal – na nadiscover ko lang din ng maubusan ako ng flour. As it turns out, okay naman, mas preferred ko na syang gamitin ngayon over flour.
Kung may stock ka ng pork bouillon cube, lagyan mo. Pero kung wala, don’t fret. Okay lang yan. Magiging malasa pa din yan. Kung wala kang issue sa flavor seasonings like Ajinamoto’s msg, then you can add about half a teaspoon instead.
Paano Gumawa ng Lumpiang Shanghai
Kung simple ang ingredients, lalong simple lang kung paano gumawa ng lumpiang shanghai. Kailangan mo lang paghaluhaluin lahat ng ingredients, balutin, and then i-prito. Medyo matatagalan ka lang talaga sa pagbabalot, yun ang talagang kailangan ng madaming patience. Nasa isang oras mo rin gagawin kung isang kilong gininiling ang kasama sa pork shanghai recipe mo. Depende na din kung gaano ka ka-pro sa pagbabalot ng lumpia. Pero actually, sa mga mahilig magluto, it’s quite relaxing!
Mapapabilis ka kung gagamit ka ng chopper. Meron akong binili sa Shopee dati, hanggang ngayon gamit ko pa din. Infairnes, sa pagkatanda ko hindi naman yun kamahalan pero sulit na sulit.
Sa pagluluto naman ng pork lumpiang shanghai, mabilis lang yan lalo na kung deep-fry ang gagawin mo. About 5 minutes okay na yan. Medium heat lang at tandaan, don’t crowd your pan. By batch ang gawin mo.
Don’t Forget the Lumpia Sauce!
Sympre pa, mas masarap kung may sawsawan! Very pinoy of us, right? Laging may katabing patis or suka’t patis kapag kumakain. Pero para sa pork lumpaing shanghai sauce, marami kang pwedeng pagpilian. Depende na lang talaga sa kung anung rekados meron ka sa bahay at kung gaano kadami ang time mo para gumawa ng sawsawan.
Una na ang vinegar-toyo dip na gawa sa suka na tinimplihan ng toyo at paminta na may kasamang ginayat na sibuyas at maanghang na siling pula. Meron ding sweet and sour dipping sauce na gawa naman sa pinakuluang suka, toyo, asukal, ketchup, at tubig na tinimplahan din ng paminta at pinalapot ng cornstarch slurry. Sweet chilli sauce na gawa sa pinakuluang tubig with ketchup, chili bits, garlic, at sugar na tinimplahan ng asin, paminta, at paprika powder. Garlicky mayonnaise dip na gawa sa mayo na merong garlic paste. Toyo-mansi na basically, toyo at kalamansi na may sili. At ang all-time favorite na ketchup – ke banana or tomato catsup man yan.
Kahit aling lumpiang shanghai sauce man ang mapili mo, just don’t forget the kanin! Kainin is life nga diba?

Pork Lumpiang Shanghai Tips
Sa mga baguhan pa lang natututo magluto or first-time pa lang gagawa ng lumpia, see these tips para naman lalo kang maging confident sa paggawa ng pork lumpiang shanghai. At sa mga pro dyan, share nyo na lang kung meron kayong pwede mai-ambag na tips.
1. How to keep the lumpia wrapper soft
Kapag pinaghiwa-hiwalay mo na ang lumpia wrapper, takpan mo sya ng damp kitchen towel para hindi sya manigas. Pwede mo din syang ibalot sa air-tight na plastic at ilagay muna sa ref kung hindi pa gagamitin. Pwede syang magtagal ng about 3-5 days.
2. How to substitute ingredients
Kapag hindi makompleto ang pork shanghai ingredients, huwag agad mataranta. Pwede kang mag-substitute, in fact, yung iba pwede ding wala naman. Like for instance, celery, pork bouillon cube, and from experience, egg (nakagawa na ko ng lumpia na walang egg). Kung walang flour, use breadcrumbs or instant oatmeal.
3. How to taste-test
Kapag nahalo na ang lumpia mixture, tikman by frying a little portion. Gumawa ng maliit na meat ball, about half a teaspoon at i-press lightly sa lightly-oiled pan para maging mini-patty. Tikman para malaman kung kailangang i-adjust ang lasa.
4. How to store
Kapag nabalot mo na ang mga lumpia, pwede mo syang ilagay sa freezer para meron kang ready-to-cook ulam any time of the week. Ako, nilalagay ko lang sya sa manipis na microwavable plastic container – good enough para sa dalawang layer na pork lumpiang shanghai. Yun nga lang, kapag lulutuin ko na sya, medyo…kinda…iba na ang shape, kase napipi na sympre. If you want, para ma-maintain ang magandang shape ng lumpia mo, ilagay mo muna sya sa freezer habang nakalatag na maayos sa malapad na tray or baking sheet. After an hour or so, check again, kapag matigas na saka mo sya ilagay sa container or sa freezer bag.
5. How to increase the yield
Kapag gusto mong maparami ang yield ng pork shanghai recipe mo, dagdagan mo ang carrots or instant oatmeal (or flour, or breadcrubms). For this one, you’ll definitely need eggs para ma-bind together ang mixture mo. Remember to adjust the seasonings, too.
6. How to pre-cut lumpia
Kapag mahahaba ang ginawa mong pork lumpiang shanghai (depende kase sa size ng lumpia wrapper mo), based from experience, mas okay na hatiin (gupitin using kitchen scissors or use knife) na ang mga lumpia rolls bago pa i-prito. This way, hindi nadudurog ang lumpia wrappers which tend to happen kapag fried na sya at saka gugupitin or hahatiin.
7. How to keep it crispy
Kapag naprito na ang lumpia, mas mainam kung sa drain rack sya ilalagay para ma-maintain yung lutong nya. Pwede rin gumamit ng metal strainer. Pwede naman yung napkin or paper towels kung wala ka nung mga yun, pero tanggalin mo din agad pag naaabsorb na yung excess oil para hindi sya lumata or para hindi mawala yung lutong. Kung meron kang oven toaster, pwede mo rin gamitin yung grill or wire rack nun. (Pero kung pang-sayo or pang isang tao lang naman ang niluluto mo – ideretso mo na yan sa plate mo…saying din ang hugasin, diba?)

Pork Lumpiang Shanghai
Ingredients
Method
- Hiwain ng pino ang carrots, onion, garlic, at celery.Minced mo lang using knife or kung may chopper ka, mas minam dahil mapapabilis ka.
- Paghaluhaluin lahat ng ingredients.Ihalo ang minced carrots, onion, garlic, at celery sa giniling. Timplahan ng soy sauce, ground black pepper, salt, at pork bouillon cube (if you want pwede mo syang i-grate, pero para bawas hugasin, durug-during mo na lang – kaya mo yan!). Ilagay na din ang beaten eggs at flour (or instant oatmeal, or breadcrumbs). Haluing mabuti hanggang evenly distributed na ang ingredients all over sa pork giniling.
- Quickly give it a taste.Sa pan, magprito ka ng maliit na portion. Say about half a teaspoon ng mixture, bilugin mo lang, and then flatten it sa pan na may konting-konting oil. Parang mini-patty. Give it a few seconds, hanggang maiba ang kulay, flip, cook for a few seconds more, and then hanguin. Tikman!See if kailangang i-adjust ang alat, pwede kang magdagdag ng salt if needed. Kung nakukulangan ka sa ground black pepper, this is your chance to add more.
- Balutin sa lumpia wrapper.Kapag napaghiwahiwalay mo na ang lumpia wrapper, maghanda na ng isang platito na may tubig para pang seal sa lumpia rolls. Sa bawat wrapper, maglagay ng about a tablespoon (or more – depende sa laki ng warpper mo) ng pork lumpiang shanghai mixture. Then i-shape mo syang pahaba, almost from end to end ng wrapper. Take the opposite end, start rolling. Half-way or a little pass half-way, tuck-in mo yung magkabilang gilid, and then finish rolling it. Sealed mo yung end with just a tiny smidge of water. (Wag naman basang-basa anak at lalong hindi didikit yan.)

- Deep fry and then serve.Now you can start deep frying. Fry it for more or less 5 minutes or until golden brown. Drain on a rack or malaking metal strainer. I prefer cutting them in half bago pa prituhin, but in case buo mo sya prinito, then cut them in half and then serve with your preferred dipping sauce. Pwedeng vinegar-toyo dip, sweet and sour sauce, garlic mayo dip, toyo-mansi, or ketchup.




