Beef tapa is the ‘tap’ in tapsilog, isang popular na Filipino breakfast na may tapa, sinangag, at itlog. But, of course, hindi naman exclusive yan na pang-almusal lang. Pwedeng-pwede sa tanghalian at maging pang-hapunan. Why is it a hit? Dahil ang beef tapa ay malinamnam na may konting asim, tamis, at anghang – pasok na pasok talaga sa panlasang pinoy. At kung nag-iisip ka kung paano gumawa ng tapa for tapsilog, relax ka lang dahil sobrang simple lang nito. Kahit newbie ka pa sa cooking, kayang kaya mo to!
Ano Nga Ba ang Beef Tapa
Kapag usapang Filipino recipes, hindi mawawala ang tapa, karne na hiniwa ng maninipis at ibinabad sa mga pampalasa at saka iprinito. It’s a classic recipe na isa sa mga paboritong ihain bilang ulam. Hindi lang pang-tapsilog, pwedeng pwede kahit plain rice lang. Perfect sa sukang maanghang na may patis or bawang! Or kung experimental ka, try mo sa mayonnaise dip na maraming garlic.
If you want to learn how to make beef tapa, then this is your sign. Bukod sa madali lang syang gawin, mabilis lang din syang lutuin – that is of course, kung di kasama yung marinating period. Yung pagbababad ang matagal (preferably overnight). The cooking itself only takes about 15 minutes, so, in no time pwede mo na ma-enjoy at ma-satisfy ang tapa craving mo.
The OG Tapsilog
It was Vivian del Rosario who coined the word ‘tapsilog’ in 1986 – pinagsama-samang salita or pangalan ng dish: tapa, sinangag, at itlog. Isa ito sa bestsellers nya sa kanyang canteen kung saan ang mga suki nya ay jeepney drivers, tricycle drivers, at yung mga naghahanap ng budget meals. Bukod sa affordable ang tapsilog, madali rin syang lutuin. Sya din ang promotor ng tocilog which is tocino, sinagag, at itlog.
At dahil talaga namang sumakses itong si Vivian, nagsunuran na rin ang iba at nakigaya na sa kanyang pakulo. Out of tapsilog, iba-ibang ‘silog’ variations na ang naglabasan, basically iba’t ibang ulam na iteneterno sa sinangag at itlog.
Ilan sa mga version nito ay ang: hotsilog (hotdog, sinangag, at itlog), bangsilog (bangus, sinangag, at itlog), chicksilog (fried chicken, sinangag, at itlog), longsilog (longganisa, sinangag, at itlog), cornsilog (corned beef, sinangag, at itlog), at marami pang iba.
How To Make Beef Tapa in Two-Steps
Ayan na naman tayo sa two-steps, haha! Again, minsan hindi naman literal na two steps lang. Ang ibig ko lang sabhin is dalawang major steps (if you will) or dalawang part (?) ng pagluluto.
First step (or first part), ibabad ang beef strips sa tapa marinade. Second step (or second part), iluto ang beef tapa.
Nakaka-enganyo gumawa, diba? Sa sobrang simple, mapapaisip ka talaga. Perfect din kaya to kapag gusto mo gumawa ng meal prep na pang-maramihan. Pwede ka gumawa ng big batch and simply freeze them afterwards into smaller portions. Then defrost mo lang whenever feel mo mag-tapa.
For other two-steps dish na pang-ulam, see my fish paksiw recipe.

Beef Tapa Ingredients
Simple lang ang kailangang beef tapa ingredients – beef, toyo, suka, calamansi, seasonings, brown sugar, cooking oil, at madaming bawang.
Preferably beef sirloin para malambot. Pero, honestly, kahit anung malaman na part ng beef okay lang sa akin. Nicely asked manong tindero na hiwain ng maninipis yung beef – sabihin mo na pang-tapa or pang bistek.
And then kung hindi sirloin yan, gumamit ng meat mallet or yung parang martilyo na may maiiksing spike para ma-tenderize ang meat. Kung wala ka nun, don’t worry, simply use the back of your knife.
Medyo depende sayo kung anung klaseng timpla ng tapa ang gusto mo. Kung bet mo ng tapa na obvious ang tamis, pwede mong dagdagan ang brown sugar. At kung ayaw mo naman ng matamis at mas bet mo yung maalat na maasim na maaanghang, then konti lang ang ilagay mo na asukal.
How To Cook Beef Tapa
Sa kawali maglagay ng just enough beef tapa na iuulam mo. Samahan ng konting marinade at hayaang kumulo hanggang maubos ang sabaw at mag-start maprito. Kung kinakailangan, dagdagan ng bahagyang mantika para ma-prito ng husto.
Kapag na-achieve mo na yung gusto mong prito (crispy overall or crispy lang yung gilid-gilid), pwede nang ihain with kanin or para sa legit tapsilog, with sinangag at itlog.

Beef Tapa Tips
Again, hindi naman exclusively pang-breakfast lang ang tapsilog. Dahil madali syang lutuin, you can have it whenever, wherever.
If you have decided to give making tapa a try, here are a few tips para mas sumakses ang unang try mo:
Pagdating sa beef tapa ingredients, ikaw na ang mag-adjust kung anung tapa ang mas bet mo. Like for example, i-adjust mo ang sugar kung natatamisan ka. Dagdagan mo ang paminta kung gusto mo yung mas maanghang. Pwede mo din damihan ang bawang kung mas bet mo yung lasang-lasang bawang talaga.
Bago ilagay ang meat sa beef tapa marinade, siguraduhin na tuyo ang beef strips. If needed, pat it dry with kitchen napkin or tissue. Mas mainam kung bago mo pa sya hiwain into strips ay nasigurado mo na na dry ito.
Pwede kang gumawa ng maramihang tapa (1 or 2 kilos, or more than pang isang ulam), and simply freeze them. Kapag na-marinade na ang beef tapa sa fridge overnight, pwede mo itong ilipat sa individual smaller containers at ilagay sa freezer. Try your best na parepareho ang dami ng meat at marinade sa bawat container.
Kapag nagluluto ng beef tapa, make sure na di crowded ang pan para mas maganda at madali ang pagluluto. Let’s say, kailangan mo nang iluto ang isang kilong ginawa mo dahil marami kayong kakain, at least 3 or 4 na salang ang gawin mo. Mas madali mo sya mama-manage sa kawali, compared dun sa isang bagsakan na madami agad.
Kapag nagpiprito na, make sure na medium or mahina ang apoy kapag tuyo na ang sabaw or marinade sa kawali. Keep in mind na mentras matamis ang timpla mo sa beef tapa mo, mas madali syang mag-caramelize at madali ding masunog. So, keep an eye lagi.
And lastly, pwede mong gamiting ang mantika na natira sa kawali para magluto ng sinangag. Ikr?! Pero yes, masarap yan kase andyan na din yung lasa ng beef tapa mo.

Beef Tapa for Tapsilog
Ingredients
Method
- Marinade the beef.Pagsama-samahin lang ang toyo, suka, calamansi juice, sugar, garlic, pepper, at cooking oil para sa beef tapa marinade. Ilagay ang thinly sliced beef at siguraduhing bawat strips ay nabalot ng marinade. Takpan ng cling wrap at hayaaang mababad ng overnight (or at least one hour, mas mainam kung mas matagal nakababad).
- Lutuin ang beef para sa tapsilog.Sa kawali, ilagay ang marinated beef, about 1/3 ng beef tapa para di masyadong crowded ang pan. Isama ang konting beef tapa marinade at hayaang kumulo at maluto sa medium heat hanggang mag-evaporate na ang liquid.Dahil may oil ang marinade natin, pwede mo nang hinaan ang apoy at hayaang maprito na sya sa mantika. Pwede ka ring magdagdag ng oil kung sa tingin mo ay kulang pa. Fry until it browned or nagsimula nang mag-caramelized. Up to you kung gaano ka-crispy ang gusto mo, pwedeng yung mga edges lang or pwede mo namang tagalan ang pagluto hanggang sa ma-prito na sya ng husto.
- Serve with sinangag at itlog.Samahan ng sawsawan na suka at patis, or achara, or garlic mayonnaise, or sliced tomatoes.




