- 1 kg beef (thinly sliced sirloin, top round, or similar lean cut)
- ½ cup soy sauce
- ¼ cup vinegar
- ¼ cup calamansi juice
- ¼ cup brown sugar
- 1 head garlic (minced)
- 1 tsp ground black pepper
- 4 tbsp cooking oil
Marinade the beef.Pagsama-samahin lang ang toyo, suka, calamansi juice, sugar, garlic, pepper, at cooking oil para sa beef tapa marinade. Ilagay ang thinly sliced beef at siguraduhing bawat strips ay nabalot ng marinade. Takpan ng cling wrap at hayaaang mababad ng overnight (or at least one hour, mas mainam kung mas matagal nakababad). Lutuin ang beef para sa tapsilog.Sa kawali, ilagay ang marinated beef, about 1/3 ng beef tapa para di masyadong crowded ang pan. Isama ang konting beef tapa marinade at hayaang kumulo at maluto sa medium heat hanggang mag-evaporate na ang liquid.Dahil may oil ang marinade natin, pwede mo nang hinaan ang apoy at hayaang maprito na sya sa mantika. Pwede ka ring magdagdag ng oil kung sa tingin mo ay kulang pa. Fry until it browned or nagsimula nang mag-caramelized. Up to you kung gaano ka-crispy ang gusto mo, pwedeng yung mga edges lang or pwede mo namang tagalan ang pagluto hanggang sa ma-prito na sya ng husto. Serve with sinangag at itlog.Samahan ng sawsawan na suka at patis, or achara, or garlic mayonnaise, or sliced tomatoes.