If you’re here then more likely, may dish kang nangangailangan ng garlic mayo dip. Well, no worries dahil napakadali lang gawin nito. In 10 minutes (or so, depende kung gaano ka kabilis sa kusina baka naman genday-genday ang peg mo, anak!), may masarap na galic mayo dip ka na.
Kung hindi mo pa nata-try, then no worries pa din, dahil kapag nasubukan mo to, malamang mamaya’t mayain mo na din. Perfect tong dipping sauce para sa tandoori chicken, fried fish fillet, inihaw na liempo, lumpiang shanghai, or kahit anung pritong ulam like fried tilapia, fried pork chops, or kahit pa sa tortang talong.
Masarap din ang garlic mayo kapag gumagawa ka ng sandwiches or burgers. Pwede mo din gamitin sa paggawa ng garlic bread.
And again, literal na quick and easy, so kayang-kaya mo tong subukan.
Garlic Mayo: Dip or Sauce
Baka malito ka kung garlic mayo dip or garlic mayo sauce – honestly, sa atin medyo interchangeable to madalas. So kapag narinig mong garlic mayo dip, malamang garlic mayo sauce din yun, and vice versa.
But technically, kapag dip medyo mas malapot, mas dense. Kapag sauce naman, mas malabnaw or thinner. Another clue, kapag dip, usually nasa isang container yan like bowl or platito where you can dip say for example French fries or lumpiang shanghai. Kapag sauce naman, you pour it over like for example sa fried breaded chicken breast or shawarma.
So, I guess to put it simply, kapag medyo malabnaw lumabas yung garlic mayo mo, then it’s garlic mayo sauce and kung thick or malapot naman, then it’s garlic mayo dip.
Sa bahay namin, simpleng garlic mayo lang ang tawag namin dyan – at gets naman agad!
Garlic + Mayonnaise = Garlic Mayo Dip
Basically, as the name suggest, garlic mayo is pretty much garlic and mayonnaise!
So alam na, hinay-hinay din naman sa paggamit ng dip na to at gawa po sya sa mayonnaise.

Garlic Mayo Ingredients
The base is mostly mayonnaise, ako ang gamit ko is Herman Mayonnaise. Na-try ko na din ang Lady’s Choice mayo. Masarap naman pareho, but I prefer the former. Mas thick ang consistency and flavor-wise mas bet ko ang lasa. So depende rin kung anung mayonnaise ang gamit mo. Kung marunong kang gumawa ng mayo from scratch, then go ahead and use that, be mindful lang na mas matagal ang shelf life kapag store brought mayo ang ginamit.
Next, kailangan mo sympre ng garlic. I love my garlic mayo with lots of garlic. Literal na lots, like around 3 cloves for every tablespoon of mayo. So sa isang cup na mayonnaise, around 3 heads of garlic ang nilalagay ko.
Kakailanganin mo din ng calamansi or lemon juice, salt, and ground white pepper (or black! Up to you!)
How to Make Garlic Mayo
Again, literal na quick and easy gawin ang garlic mayo dip. Kailangan mo lang i-mix ang ingredients together at haluing mabuti.
Pwede kang gumamit ng grater or garlic press para maging paste-like ang garlic mo. Mas madali kung meron kang emersion blender.
Pweded mong i-adjust ang calamansi juice, salt, at pepper depende na sa panlasa mo. Ako bet ko yung madaming paminta para pandagdag sa tapang ng garlic. Pwede ka ding maglagay ng asukal, pero tikman mo muna yung mayonnaise mo. Depende kase sa brand, may mayo na matamis na agad.

How to Store Garlic Mayo Dip
Kapag madami ang ginawa mong garlic mayo dip, pwede mo syang ilagay sa air-tight na container and store it in the fridge. Pwede yan hanggang 3-7 days. Actually, sa amin more than 7 days inaabot. Be observant din naman, kung naiba na ang lasa, texture, or amoy, then malamang sira na yan. But based on experience, kahit up to two weeks nagagamit ko pa din yung ginawa kong garlic mayo dip.
Keep in mind though, na kapag ang garlic mayo ingredients mo ay may home-made mayo, mas maiksi ang shelf life nyan. Gumamit ka kase ng hilaw na itlog sympre. So, if that is the case, max na yung 4 days sa ref. Para makasigurado ka, kapag home-made mayo ang gamit, gumawa ka lang ng garlic mayo dip na just enough para sa paggagamitan mo.

Quick and Easy Garlic Mayo Dip
Ingredients
Method
- Kunggagamit ng emersion blender.Ilagay ang roughly chopped garlic sa blender, add the calamansi juice, salt, pepper, at 2-3 tablespoons of mayo. I-blend muna ng mabuti hanggang maging paste-like ang bawang. Kapag wala nang buo-buong bawang, add the rest of the mayonnaise and blend together. Tikman at i-adjust according to your taste. (Depende, gusto mo ba nung mabawang, na lasa mo ang alat at anghang ng paminta? Then add more seasoning accordingly.)
- Kung walang blender, mano-mano style.Gayatin sa grater ang bawang or padaanin sa garlic press. Sa isang bowl, paghalu-haluin lang din lahat ng ingredients at i-mix na mabuti. Tikman at i-adjust base sa panlasang gusto mo.
- Chill and then serve.Ilagay muna sa fridge for about 30 minutes to chill at para mas magdevelop ang lasa. Mas mag-i-infuse evenly ang flavor throught the mayo.After chilling, pwede mo na syang ilagay sa isang bowl or dipping container at ihain. Kung gagamiting sauce at medyo malapot ang garlic mayo dip mo, pwede mong dagdagan ng yogurt or milk para maging thinner ang consistency.Kung itatago ang natira, ilagay sa malinis at tuyong air-tight container at ilagay sa fridge.




