- 1 cup mayonnaise
- 1 head garlic (more if you really want it garlicky)
- 1-2 tsp lemon or calamansi juice
- ½ tsp rock salt
- ½ tsp ground white pepper
- 1/2 tsp sugar (optional, minsan matamis na agad yung store-bought mayo)
- 2-3 tsp milk/yogurt (optional, only when dip turned out to be too thick and you want to thin it out a bit)
Kunggagamit ng emersion blender.Ilagay ang roughly chopped garlic sa blender, add the calamansi juice, salt, pepper, at 2-3 tablespoons of mayo. I-blend muna ng mabuti hanggang maging paste-like ang bawang. Kapag wala nang buo-buong bawang, add the rest of the mayonnaise and blend together. Tikman at i-adjust according to your taste. (Depende, gusto mo ba nung mabawang, na lasa mo ang alat at anghang ng paminta? Then add more seasoning accordingly.) Kung walang blender, mano-mano style.Gayatin sa grater ang bawang or padaanin sa garlic press. Sa isang bowl, paghalu-haluin lang din lahat ng ingredients at i-mix na mabuti. Tikman at i-adjust base sa panlasang gusto mo. Chill and then serve.Ilagay muna sa fridge for about 30 minutes to chill at para mas magdevelop ang lasa. Mas mag-i-infuse evenly ang flavor throught the mayo.After chilling, pwede mo na syang ilagay sa isang bowl or dipping container at ihain. Kung gagamiting sauce at medyo malapot ang garlic mayo dip mo, pwede mong dagdagan ng yogurt or milk para maging thinner ang consistency.Kung itatago ang natira, ilagay sa malinis at tuyong air-tight container at ilagay sa fridge.