Go Back
a pot of rice still on the stove, paano magsaing sa kalan

Paano Magsaing (Cooking Rice 101)

Isang simpleng guide kung paano magsaing ng kanin – mula sa tamang paghuhugas ng bigas hanggang sa wastong sukat ng tubig. Perfect para sa gumagamit ng rice cooker o diretso sa kalan.
Total Time 30 minutes
Servings: 4
Course: Main Course

Ingredients
  

  • 2 cups rice
  • cups water (plus more for washing the rice)

Method
 

  1. Ihanda ang kaldero o rice cooker.
    Siguraduhing malinis ang kaldero o inner pot ng rice cooker.
  2. Sukatin ang bigas.
    Takalin ang bigas gamit ang cup, mug, o kahit anong panukat.
  3. Hugasan o unaban ang bigas.
    Hugasan ang bigas ng 2–3 beses o hanggang sa medyo luminaw ang tubig.
    I-drain ng maayos bago lagyan ng bagong tubig para sa pagluluto.
    (Tip: pwede mong itabi ang pinag-unaban ng bigas at gamitin sa tinola.)
  4. Sukatin ang tubig.
    Pili ka kung anung style ng pagtutubig ang gusto mo gawin. Ako personally ang ginagamit ko ay yung 1:1.5 rice to water ratio. (More on how to add water to rice, here.)
  5. Lutuin:
    Kung Rice Cooker
    Pindutin ang Cook. Kapag nag-switch na sa Keep Warm, hayaan lang mainin ng ilan pang minuto.
    Kung Sa Kalan
    1. Isalang ang kaldero sa kalan at hayaang kumulo.
    2. Kapag kumukulo na, hinaan ang apoy sa medium.
    3. Pag kaunti na lang ang tubig (after ~3–5 minutes), hinaan sa pinakamahinang apoy.
    4. Takpan at hayaang mainin ng 10–15 minutes.
    5. Patayin ang apoy, huwag muna buksan agad para tuluyang mainin.