Paano Magsaing

a pot of rice still on the stove, paano magsaing sa kalan

Gaano katotoo sayo ang kasabihang “kanin is life”? Ke sarap naman kase talagang magkanin diba? Sabi nga ng matatanda, basta’t maganda ang bigas kahit walang ulam. Okay, a bit too much, maybe…but you know what they mean. At dahil dyan dapat lang na alam mo kung paano magsaing.

Among us Pinoys, kanin is truly life. Minsan nga pati sa umaga kanin din, diba? Granted na may iba dyan na nagda-diet – either nagtatakal ng kanin or nag-wa-once a day a meal lang, madami pa din talaga ang nagkakanin.

Paano Magluto ng Kanin

Okay, kalma lang, some might be thinking, anu ba yan pagsasaing lang… Well, hindi naman lahat alam kung paano magsaing. Either may nagsasaing para sa kanila or bumibili lang ng lutong kanin. Saan ka man belong dyan, para sa you tong how to cook rice post na to.

stainless steel pot, rice cooker, rice container, pitcher of water, and a measuring cup on a marble surface to understand kung paano magsaing

Step-by-Step Procedure Kung Paano Magsaing

Let’s do it step by step para di ma-overwhelm yung baguhan pa lang sa pagluluto. You’ll see madali lang talaga:

Step 1: I-ready ang kaldero/rice cooker na paglulutuan

Kung may tirang kaning lamig, alisin at linisin mabuti ang kaldero. Pag non-stick pot/rice cooker ang gamit ingatan na magasgasan ang non-stick coating. Be gentle, anak, wag naman kudkurin ang tutong!

Step 2: Takalin kung gaano kadaming bigas ang gusto mong lutuin

Make sure na naka-level ang rice sa cup – hindi kulang, hindi rin nag-uumapaw. (Importante ito para sa pagtatakal mo kung gaanong tubig ang ilalagay kapag lulutuin na ang bigas.) Hindi naman necessarily na cup ang kailangan, pwede din namang mug or bowl. Nung maliit ako ang nakikita kong takalan ng bigas ay lata ng gatas.

Step 3: Hugasan o unaban mabuti ang bigas

Ako out of habit, 3 times ko hinuhugasan or inuunaban ang bigas kapag nagsasaing ako. Yung iba gusto hanggat hindi lumilinaw-linaw ang tubig, sige lang sila ng paghuhugas. Up to you. (Pwede mo din nga pala na gamitin ang pinag-unaban ng bigas kung nagkataon na magluluto ka ng paksiw na isda o chicken tinola.)

Step 4: Sukatin ang tubig na gagamitin sa pagluluto

Make sure na na-drain mo sya ng maayos. Be patient, wag naman halos itaob na ang kaldero pag tinatapon ang tubig, tilt mo lang ng pa-konte konte. Sige ka, mas mahirap magpulot ng bigas na tumapon sa lababo, haha!

Sa pagtutubig, mamili ka sa iba’t ibang paraan na to. Just keep in mind na depende sa klase ng bigas ang pagsusukat sa tubig. Mas madaming tubig ang kailangan ng brown or black rice compared sa usual white rice.

Kung minsan sasabihin nila ‘matakaw sa tubig yung bigas’ – meaning madaming tubig ang kailangan, otherwise medyo matigas yung kanin kapag naluto. Minsan naman sasabihin bago yung bigas – meaning mas konting tubig lang ang kailangan. So adjust-adjust din. Kung natigasan or maligat masyado ang sinaing mo, then next time, adjust mo ang tubig.

Rice to water ratio

Depende din kase sa klase ng bigas ang tubig. Kung naririnig mo, minsan sasabihin nila ‘matakaw sa tubig yung bigas’ – meaning madaming tubig ang kailangan, otherwise medyo matigas yung kanin. Minsan naman sasabihin bago yung bigas, so adjust mo baka 1:1 lang dapat.

1:1 plus .5 – kung isang cup (o anumang panukat ang ginamit mo) ang bigas, ganun din ang tubig plus ½.

1:1 plus 1 – kung 2 cups ang bigas, 2 cups din ang tubig plus 1. Ito ay para dun sa mahilig sa malambot or malata na kanin.

1:1 – kung mahilig ka sa maligat or medyo matigas na kanin, then kung gaano kadami ang bigas, ganun din kadami ang tubig.

Daliri method

Kapag tapos nang hugasan ang bigas, flatten o pantayin mo lang ang bigas sa kaldero. Then gamit ang daliri, sukatin kung gaano kataas ang bigas. Kung hanggang saan inabot ang bigas sa daliri mo, ganun din kataas ang tubig na ilalagay mo.

Yung iba naman, matapos pantayin ang bagong bigas sa kaldero, ilalagay nila ang mga daliri sa ibabaw ng bigas at susukatin ang tubig hanggang sa pangalawang guhit ng middle finger. (Natry ko na to nung araw pero bumalik din ako sa paggamit nang cup – I find it more fool-proof.)

Simply follow the lines

Para sa mga gagamit ng rice cooker, sundin nyo lang kung asan yung guhit sa gilid ng kaldero ng rice cooker. Kung 3 cups ang hinugasan mong bigas, then hanapin mo yung line or guhit na tinatapatan ng 3 and gamitin mong palatandaan sa paglalagay ng tubig.

Step 5: Lutuin – paano magsaing sa kalan o rice cooker

Paano magsaing sa rice cooker? Simple lang, pindutin lang ang cook lever and off you go kung anuman ginagawa mo. Kung nagluluto ka ng ulam, go ahead, balikan mo na lang ang kanin pag luto na ang ulam.

Now, kung walang rice cooker (or nagkataon na nasira, or brown out!), paano magsaing sa kalan? Isalang lang ang kaldero ng kanin na may tubig at hayaang kumulo. Ingat sa malakas na apoy lalo na kung hindi non-stick ang pot na gamit mo. Pag kumukulo na, medyo hinaan na ang apoy, say medium. Then wag ka na pakalayo sa kalan, after mga 3-5 minutes at konti na lang ang tubig, hinaan mo na ng todo ang apoy. As in mahina na, yung pinakamahinang kaya ng kalan mo. Sa ngayon, nag-iinin ka na lang ng kanin. After mga 10-15 minutes, off mo na ang kalan, basta hayaan mo lang na may takip ang kaldero mo.

a blue bowl of cooked white rice, bagong saing na kanin

Paano Malalaman Kung Luto na ang Sinaing

Sympre hindi enough na alam mo kung paano magsaing, dapat alam mo din kung luto na ang kanin.

Kapag tuyo na ang tubig kailangan pang pa-ininin ang kanin. Hindi naman ora-orada eh luto na porke wala nang tubig. Mapapansin mo na yung grain ng rice ay may puti pa sa bandang gitna. Kung baga medyo nakikita mo pa yung pagka-bigas nya. Hayaan mo lang yan na mainin habang may takip. Give it mga 10-15 minutes para tuluyang maluto.

Kung rice cooker ang gamit, kapag nasa ‘keep warm’ na yan malamang kesa hindi okay na yan. Pagbukas mo at medyo basa-basa pa ang kanin, hayaan mong mag-inin pa. Same thing din kung sa kalan ka nag-saing. Kapag medyo ‘wet’ pa ang dating ng kanin, hindi pa inin yan.

Quick test na nakasanayan kong gawin, isang mabilis na press ng daliri sa ibabaw. (Kind of like tapik pero one or two daliri lang ang gamit) Kapag dumikit ang kanin, kailangan pa paininin. Kapag wala nang dumikit sa daliri mo, inin na yan, kainan na!

(Reminder lang, anak: Ingat sa pagta-try nito ah, mainit ang kanin at pwede kang mapaso. Huwag mo naman pakatodo ang pag-press sa kanin dahil kung hindi pa inin yan, aba mapapaso ka talaga lalo na kapag madaming kanin ang dumikit sa daliri mo. At medyo tanya-tanya din, kapag sa tingin pa lang very wet or basa pa tingnan ang ibabaw ng kanin, wag ka na mag-attempt at hayaan mo nalang mainin pa.)

Now That You Know How To Make Rice, Try These Rice Dishes!

Kung gamay mo na or confident ka na ngayon kung paano magsaing, then perhaps ready ka na rin to try different rice dishes. Hindi mo kailangang mag-stick sa plain rice araw-araw. Pwede mo rin itong gawan ng variation from time to time. With just a few extra ingredients, pwede nang mag-level up into something more exciting ang ordinary rice mo.

Garlic Fried Rice

Kung may tirang kanin ka, you can easily turn it into a classic fried rice. Pwede rin naman na sadyang damihan ang sinaing para meron kang pang-fried rice the next day. Mas okay na isangag ang day-old rice or yung kanin na nailagay na sa ref.

Simply saute some diced onion and minced garlic and then add the rice. Season with salt and pepper. Stir-fry for a few minutes more and done! Pwede mo nang i-serve. Perfect actually sa tapsilog: tapa, sinangag, at itlog.

Pwede mo ring sahugan ng bacon, ham, or hotdog – up to you na talaga kung anung protein ang gusto mo. Pwede mo rin haluan ng frozen veggies like yung mga nabibiling naka-pack sa groceries na mix of peas, carrots, and corn.

Yellow/Turmeric Rice

Kung gusto mo naman na makulay at mala-biryani style ang rice mo, try yellow rice or turmeric rice. Para ka lang din talagang nagsasaing, pero igigisa mo muna at lalagyan mo ng seasonings.

Saute minced onion and garlic, and add turmeric powder. Ilagay ang washed rice and stir fry for a good minute or so, hanggang ma-coat na ng yellow spices ang rice grain. Season it with salt and pepper, tubigan ayon sa dami ng rice mo, and simply let it cook. Serve with fried chicken, fish, or pork. Perfect din to serve with chicken masala.

Pwede ka rin maglagay ng chicken bouillon pandagdag flavor. Medyo i-adjust mo lang ang salt mo dahil maalat na ang chicken cubes.

Java Rice

Kung feel mo naman gumawa ng Java rice ala-restaurant, pwedeng-pwede rin. Madali lang din to gawin. Para ka lang nagsangag pero with extra seasonings. Again, mas okay kung day-old na yung rice na gagamitin mo.

Igisa sa margarine or butter ang bawang, ilagay ang turmeric, annatto, at onion powder. Ihalo ang kanin, timplahan ng salt and pepper, at haluin until well-coated na lahat ng rice grains. After that, pwede mo nang i-serve with grilled chicken or pork, barbecue, or crispy pata.

Pwede kang gumamit ng soy sauce halip na asin or pangtulong sa asin bilang panimpla. Nagbibigay din to ng additional flavor.

Chicken Rice

Para sa Hainanese chicken rice inspired rice dish, try this one-pot easy rice recipe. Kompleto na dahil me ulam ka na din. Perfect kung busy ka or gahol sa oras pero gusto mo pa din naman ng kakaibang dish.

Marinade the chicken with salt and pepper and set aside. Sa pot, igisa ang onion leeks (dahon ng sibuyas), minced garlic, at minced ginger. Ilagay ang chicken at hayaan syang maprito ng bahagya. Hanguin muna. Now add the pre-washed rice sa pot, stir fry mo for a minute or so, then add water depending on how much rice are you making. Add the chicken back on top and let it cook with the rice. By the time maluto ang kanin, luto na din ang chicken. Now serve with a soy dip, garlic chili sauce, or spring onion sauce.

Originally, lulutuin mo dapat ang rice with the broth na pinagpakuluan ng dahan-dahan ng chicken. So kind of like short cut version to ng Hainanese chicken rice. Not too bad if you ask me. Mas bumilis at mas tipid sa ligpitin dahil one-pot na lang.

a sketch of Inang Maria

Ready to cook?
The full ingredients and step-by-step instructions are in the recipe card below.

a pot of rice still on the stove, paano magsaing sa kalan

Paano Magsaing (Cooking Rice 101)

Isang simpleng guide kung paano magsaing ng kanin – mula sa tamang paghuhugas ng bigas hanggang sa wastong sukat ng tubig. Perfect para sa gumagamit ng rice cooker o diretso sa kalan.
Prep Time 5 minutes
Cook Time 25 minutes
Total Time 30 minutes
Servings: 4
Course: Side Dish

Ingredients
  

  • 2 cups rice
  • 2½ cups water (plus more for washing the rice)

Method
 

  1. Ihanda ang kaldero o rice cooker.
    Siguraduhing malinis ang kaldero o inner pot ng rice cooker.
  2. Sukatin ang bigas.
    Takalin ang bigas gamit ang cup, mug, o kahit anong panukat.
  3. Hugasan o unaban ang bigas.
    Hugasan ang bigas ng 2 o 3 beses, o hanggang sa medyo luminaw ang tubig.
    I-drain ng maayos bago lagyan ng bagong tubig para sa pagluluto.
    (Tip: pwede mong itabi ang pinag-unaban ng bigas at gamitin pangsabaw sa tinola or paksiw.)
  4. Sukatin ang tubig.
    Pili ka kung anung style ng pagtutubig ang gusto mo gawin. Ako personally ang ginagamit ko ay yung 1:1 plus 1 rice to water ratio. (More on how to add water to rice, here.)
  5. Lutuin:
    Kung Rice Cooker
    Pindutin ang Cook. Kapag nag-switch na sa Keep Warm, hayaan lang mainin ng ilan pang minuto.
    Kung Sa Kalan
    Isalang ang kaldero sa kalan at hayaang kumulo.
    Kapag kumukulo na, hinaan ang apoy sa medium.
    Pag kaunti na lang ang tubig (after ~3–5 minutes), hinaan sa pinakamahinang apoy.
    Takpan at hayaang mainin ng 10–15 minutes.
    Patayin ang apoy, huwag muna buksan agad para tuluyang mainin.