Paano Magsaing: Cooking Rice 101

a pot of rice still on the stove, paano magsaing sa kalan

Gaano katotoo sayo ang kasabihang kanin is life? Ke sarap naman kase talagang magkanin diba? Sabi nga ng matatanda, basta’t maganda ang bigas kahit walang ulam. Okay, a bit too much, maybe…but you know what they mean. At dahil dyan dapat lang na alam mo kung paano magsaing.

Among us pinoys, kanin is truly life. Minsan nga pati sa umaga kanin din, diba? Granted na may iba dyan na nagda-diet – either nagtatakal ng kanin or nag-wa-once a day a meal lang, madami pa din talaga ang nagkakanin.

Paano Magluto ng Kanin

Okay, kalma lang, some might be thinking, anu ba yan pagsasaing lang… Well, hindi naman lahat alam kung paano magsaing. Either may nagsasaing para sa kanila or bumibili lang ng lutong kanin. Saan ka man belong dyan, para sa you tong how to cook rice post na to.

stainless steel pot, rice cooker, rice container, pitcher of water, and a measuring cup on a marble surface to understand kung paano magsaing

Step-by-Step Procedure Kung Paano Magsaing

Let’s do it step by step para di ma-overwhelm yung baguhan pa lang sa pagluluto. You’ll see madali lang talaga:

Step 1: I-ready ang kaldero/rice cooker na paglulutuan

Kung may tirang kaning lamig, alisin at linisin mabuti ang kaldero. Pag non-stick pot/rice cooker ang gamit ingatan na magasgasan ang non-stick coating. Be gentle, anak, wag naman kudkurin ang tutong!

Step 2: Takalin kung gaano kadaming bigas ang gusto mong lutuin

Make sure na naka-level ang rice sa cup – hindi kulang, hindi rin nag-uumapaw. (Importante ito para sa pagtatakal mo kung gaanong tubig ang ilalagay kapag lulutuin na.) Hindi naman necessarily na cup ang kailangan, pwede din namang mug or bowl. Nung maliit ako ang nakikita kong takalan ng bigas ay lata ng gatas.

Step 3: Hugasan o unaban mabuti ang bigas

Ako out of habit, 3 times ko hinuhugasan or inuunaban ang bigas kapag nagsasaing ako. Yung iba gusto hanggat hindi lumilinaw-linaw ang tubig, sige lang sila ng paghuhugas. Up to you. (Pwede mo din nga pala na gamitin ang pinag-unaban ng bigas kung nagkataon na magluluto ka ng paksiw na isda o chicken tinola.)

Step 4: Sukatin ang tubig na gagamitin sa pagluluto

Make sure na na-drain mo sya ng maayos. Be patient, wag naman halos itaob na ang kaldero pag tinatapon ang tubig, tilt mo lang ng pa-konte konte. Sige ka, mas mahirap magpulot ng bigas na tumapon sa lababo, haha!

Sa pagtutubig, mamili ka:

Rice to water ratio

Depende din kase sa klase ng bigas ang tubig. Kung naririnig mo, minsan sasabihin nila ‘matakaw sa tubig yung bigas’ – meaning madaming tubig ang kailang otherwise medyo matigas yung kanin. Minsan naman sasabihin bago yung bigas, so adjust mo baka 1:1 lang dapat.

1:1.5 – kung isang cup (o anumang panukat ang ginamit mo) ng bigas, 1 and ½ ang tubig na gagamitin mo.

1:2 – kung isang cup ang bigas, 2 cup ang tubig. Ito ay para dun sa mahilig sa malambot or malata na kanin.

1:1 – kung mahilig ka sa maligat or medyo matigas na kanin, then kung gaano kadami ang bigas, ganun din kadami ang tubig.

Daliri method

Kapag tapos ng hugasan ang bigas, flatten o pantayin mo lang ang bigas sa kaldero. Then gamit ang daliri, sukatin kung gaano kataas ang bigas. Kung hanggang saan inabot ang bigas sa daliri mo, ganun din kataas ang tubig na ilalagay mo.

Yung iba naman, matapos pantayin ang bagong bigas sa kaldero, ilalagay nila ang mga daliri sa ibabaw ng bigas at susukatin ang tubig hanggang sa pangalawang guhit ng middle finger. (Natry ko na to nung araw pero bumalik din ako sa paggamit nang cup – I find it more fool-proof.)

Simply follow the lines

Para sa mga gagamit ng rice cooker, sundin nyo lang kung asan yung guhit sa gilid ng kaldero ng rice cooker. Kung 3 cups ang hinugasan mong bigas, then hanapin mo yung line or guhit na tinatapatan ng 3 and gamitin mong palatandaan sa paglalagay ng tubig.

Step 5: Lutuin – paano magsaing sa kalan o rice cooker

Paano magsaing sa rice cooker? Simple lang, pindutin lang ang cook lever and off you go kung anuman ginagawa mo. Kung nagluluto ka ng ulam, go ahead, balikan mo na lang ang kanin pag luto na ang ulam.

Now, kung walang rice cooker (or nagkataon na nasira, or brown out!), paano magsaing sa kalan? Isalang lang ang kaldero ng kanin na may tubig at hayaang kumulo. Ingat sa malakas na apoy lalo na kung hindi non-stick ang pot na gamit mo. Pag kumukulo na, medyo hinaan na ang apoy, say medium. Then wag ka na pakalayo sa kalan, after mga 3-5 minutes at konti na lang ang tubig, hinaan mo na ng todo ang apoy. As in mahina na, yung pinakamahinang kaya ng kalan mo. Sa ngayon, nag-iinin ka na lang ng kanin. After mga 10-15 minutes, off mo na ang kalan, basta hayaan mo lang na may takip ang kaldero mo.

a blue bowl of cooked white rice, bagong saing na kanin

Paano Malalaman Kung Luto na ang Sinaing

Sympre hindi enough na alam mo kung paano magsaing, dapat alam mo din kung luto na ang kanin.

Kapag tuyo na ang tubig kailangan pang pa-ininin ang kanin. Hindi naman ora-orada eh luto na porke wala nang tubig. Mapapansin mo na yung grain ng rice ay may puti pa sa bandang gitna. Kung baga medyo nakikita mo pa yung pagka-bigas nya. Hayaan mo lang yan na mainin habang may takip. Give it mga 10-15 minutes para tuluyang maluto.

Kung rice cooker ang gamit, kapag nasa ‘keep warm’ na yan malamang kesa hindi okay na yan. Pagbukas mo at medyo basa-basa pa ang kanin, hayaan mong mag-inin pa. Same thing din kung sa kalan ka nag-saing. Kapag medyo ‘wet’ pa ang dating ng kanin, hindi pa inin yan.

Quick test na nakasanayan kong gawin, isang mabilis na press ng daliri sa ibabaw. (Kind of like tapik pero one or two daliri lang ang gamit) Kapag dumikit ang kanin, kailangan pa paininin. Kapag wala nang dumikit sa daliri mo, inin na yan, kainan na!

(Mga anak, ingat sa pagta-try nito ah, wag mo naman pakatodo ang pag-press sa kanin dahil kung hindi pa inin yan, aba mapapaso ka niyan. Lalo na kapag madaming kanin ang dumikit sa daliri mo. At medyo tanya-tanya din, kapag sa tingin pa lang very wet or basa pa tingnan ang ibabaw ng kanin, wag ka na mag-attempt at hayaan mo nalang mainin pa.)

Ready to cook?
The full ingredients and step-by-step instructions are in the recipe card below.

a pot of rice still on the stove, paano magsaing sa kalan

Paano Magsaing (Cooking Rice 101)

Isang simpleng guide kung paano magsaing ng kanin – mula sa tamang paghuhugas ng bigas hanggang sa wastong sukat ng tubig. Perfect para sa gumagamit ng rice cooker o diretso sa kalan.
Total Time 30 minutes
Servings: 4
Course: Main Course

Ingredients
  

  • 2 cups rice
  • cups water (plus more for washing the rice)

Method
 

  1. Ihanda ang kaldero o rice cooker.
    Siguraduhing malinis ang kaldero o inner pot ng rice cooker.
  2. Sukatin ang bigas.
    Takalin ang bigas gamit ang cup, mug, o kahit anong panukat.
  3. Hugasan o unaban ang bigas.
    Hugasan ang bigas ng 2–3 beses o hanggang sa medyo luminaw ang tubig.
    I-drain ng maayos bago lagyan ng bagong tubig para sa pagluluto.
    (Tip: pwede mong itabi ang pinag-unaban ng bigas at gamitin sa tinola.)
  4. Sukatin ang tubig.
    Pili ka kung anung style ng pagtutubig ang gusto mo gawin. Ako personally ang ginagamit ko ay yung 1:1.5 rice to water ratio. (More on how to add water to rice, here.)
  5. Lutuin:
    Kung Rice Cooker
    Pindutin ang Cook. Kapag nag-switch na sa Keep Warm, hayaan lang mainin ng ilan pang minuto.
    Kung Sa Kalan
    1. Isalang ang kaldero sa kalan at hayaang kumulo.
    2. Kapag kumukulo na, hinaan ang apoy sa medium.
    3. Pag kaunti na lang ang tubig (after ~3–5 minutes), hinaan sa pinakamahinang apoy.
    4. Takpan at hayaang mainin ng 10–15 minutes.
    5. Patayin ang apoy, huwag muna buksan agad para tuluyang mainin.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recipe Rating