Maraming Filipino dishes and hindi makokompleto kung walang sawsawan. At kung versatility ang pag-uusapan plus pagiging all-around favorite, bida dyan ang sukang sawsawan.
Simpleng vinegar dipping sauce na gawa sa suka na tinimplahan ng toyo, sibuyas, sili, calamansi, at seasonings. Saktong pangterno sa inihaw na tilapia, grilled liempo, lumpia, at maraming pang iba – sadyang pang all-around nga talaga.
What Is Sukang Sawsawan?
Kapag sinabing sukang sawsawan, ito yung suka na may timplang seasonings or spices. Although sawsawan din naman matatawag ang suka na may kasamang patis. Ito yung pinaka basic kung baga. Literal na pagsasamahin lang ang sukat at patis. Minsan nilalagyan ng sili. At kung minsan din, halip na patis ay toyo naman ang nilalagay.
Pero for this post, ang tinutukoy nating sukang sawsawan is yung spiced vinegar. Isa ito sa mga Filipino vinegar-based dipping sauce na karaniwan na sa hapag kainan. May mga nabibli ng ready-to-use na gaya ng Pinakurat or Sinamak – mga suka na may seasoning at spices ng nakahalo. Pero pwedeng-pwede ka namang gumawa ng homemade sukang sawsawan. Bukod sa simple lang ang mga kailangan mong ingredients, napakadali lang din nyang gawin.

Sukang Sawsawan Ingredients
Depende kung nasaaang rehiyon ka ng Pilipinas, kung anung klaseng suka ang pamilyar sayo: nipa palm vinegar (sukang Paombong), sukang tuba (from coconut tree sap), or sugar cane vinegar (sukang Iloco). Para sa sukang sawsawan recipe na ito, cane vinegar ang gamit ko. So up to you na lang kung anung suka meron ka dyan sa kitchen mo. You’ll also need toyo, sibuyas, bawang, siling pula, calamansi, asin, durog na paminta, at konting tubig.
How to Make Sukang Sawsawan
Kung simple ang ingredients, lalo namang napakadaling gawin ng sawsawan na to. Literal na paghahalu-haluin mo lang at may sawsawan ka na. So, the next time na nagluto ka ng lumpiang shanghai, grilled pork, or anumang prito or inihaw na ulam dyan, don’t hesitate to try how to make sukang sawsawan. You’ll be surprised at how much a simple dipping sauce can do to your dish! Minsan nga, ito talaga ang nagdadala!
Tips for Making Homemade Sukang Sawsawan
Don’t worry na baka hindi mo makuha ang tamang timpla ng dahil to be quite honest, kanya-kanyang timpla naman yan. Depende sa taste ng tao eka nga. Very flexible ang sukang sawsawan recipe na to. Depende sa trip mo kung paano mo ia-adjust ang lasa.
1. Adjust the taste
Let’s say, gusto mo ng mas maanghang, then add more chili or paminta. Kung gusto mong naglalaban ang asim at alat, dagdagan mo ang toyo or asin. Kapag mas bet mong mangibabaw ang asim ng calamansi kaysa sa suka, then i-adjust mo ang measurements.
2. Ingredients substitution
Kahit sa ingredients, pwede mo din laruin yan. Let’s say if you love that extra kick aside from chili, add more grated garlic. Or tanggalin mo kung di mo bet yung may lasang bawang. You can also try adding chopped cucumber for that refreshing crunch. Sakto din ang pipino pang-balanse ng asim at alat.
3. Tame down the onion taste
Kung natatapangan ka sa lasa ng sibuyas, pwede mong ibabad sa malamig na tubig ang chopped onion mo para mag-mellow ang amoy at lasa. Or pweden ka rin gumamit ng sibuyas na puti.
4. To boil or not to boil
Usually, halo-halo lang lahat ng ingredients then okay na. Minsan, if I have the time, I try boiling first yung suka at tubig. Para sa akin mas mellow ang asim kapag nakuluan muna before you mix in the rest of the ingredients.
For this recipe, I’ll give you the basic measurements and sukang sawsawan ingredients. Then it’s up to you kung anu ang gusto mong baguhin or i-adjust according to your taste.

What to Serve with Sukang Sawsawan
Ang daming pwedeng ternuhan ng sukang sawsawan na to, literal na pang all-around talaga. Here’s a list of more or less what dishes you can pair with this spiced vinegar dip:
- Grilled liempo
- Inihaw na tilapia
- Pork barbecue
- Chicken inasal
- Inihaw na pusit
- Breaded porkchop
- Fried chicken
- Pritong bangus o tilapia
- Lechon kawali
- Crispy Pata
- Lumpiang shanghai rolls
- Lumpiang isda
- Tokwa’t baboy
- Fishball, squid ball, kikiam
- Lumpiang toge
Up to you na talaga kung saan mo pa sya gustong ipares. Ako kahit sa spam itineterno ko sya…at masarap naman!
That’s the beauty of this sukang sawsawan, it can turn any simple ulam into something else. Mapapasarap ka talaga nang kain!

Sukang Sawsawan
Ingredients
Method
- Prep the onion, chili, and garlic.Minced mo lang ang sibuyas at sili. I-grate naman ang garlic. Kung ok lang sayona may mga garlic bits, then pwedeng minced garlic na lang din instead na pa-grate.
- Paghaluhaluin lahat ng ingredients.Ihalo ang minced onion, chilli, at garlic sa suka, toyo, calamansi, at tubig. Isama na din ang seasonings at tikman.Alternative: Pwede mong pakuluan muna ang suka at tubig. Hayaang kumulo ng about a couple of minutes without stirring. Then after that, hanguin at isama na lahat ng natitira pang ingredients.



