Kapag medyo malamig ang panahon mas lalo kang nagke-crave sa masasabaw na ulam. At ano pa nga ba ang isa sa pinaka-popular na soup-based Filipino dishes – sinigang na baboy, of course!
Bukod sa madali lang lutuin, very adaptable rin sya – kung anung gulay ang available ok na, hindi kailangan na makompleto mo lahat.
Bukod sa pagiging versatile, napakadali lang din lutuin ng sinigang na baboy. In fact, isa ito sa mga paborito kong one-pot dishes since literal na diretso ka lang sa isang pot at may ulam ka na! Very forgiving din ang recipe na to, so perfect sa mga bago-bago pa lang nag-aaral magluto. Actually, isa ito sa mga natutunan kong lutuin nung newbie cook pa ako.
Ano Nga Ba ang Sinigang?
Ang sinigang ay isang classic soup-based Filipino dish kung saan ang protein ay niluluto sa sabaw na karaniwang ginagamitan ng sampalok bilang pampa-asim. So aside from pork, pwede rin na beef, bangus, o shrimp. At bukod sa sampalok pwede rin gamitan ng kamias, santol, kamatis, or bayabas bilang souring agents. Bukod sa masabaw, magulay din ang dish na to.
Sinigang na Baboy Ingredients
Ano-ano nga ba ang sangkap ng sinigang na baboy. Well, first off ano ba balak mong lutuin, sinigang na baboy sa sampalok or sinigang na baboy sa kamatis? Pareho lang ang the rest of the ingredients, dito lang magkakatalo kung sampalok ba ang gusto mong pampaasim or kamatis ang mas bet mong gawing pampalasa.
Malamang mas pamilyar ka sa sinigang na baboy sa sampalok – sounds very automatic na kapag sinabing sinigang, sampalok sya. Pero gaya ng nabanggit ko kanina, may iba-ibang souring agent na pwedeng gamitin – pwedeng sinigang sa kamatis, sinigang sa kamias, or sinigang sa bayabas. Pero para sa recipe na to, concentrate tayo sa sinigang na baboy sa sampalok.
Of course, hindi magiging sinigang na baboy yan kung walang baboy – pwedeng liempo or buto-buto like ribs. Each has it’s own charm. Kapag liempo, masarap yung parang nagmamantika na yung sinigang mo. Kapag buto-buto naman or ribs, mas nagiging malasa yung sabaw. Yung iba gusto ng pork shoulder or yung kasim – mas malaman kase yun, less taba, at malambot din kapag naluto compared sa ibang parts ng baboy. Up to you kung anu gusto mong i-try. Dito sa bahay namin, mas prefer ang liempo.
Para sa pampaasim, for this recipe, sampalok of course. Then you’ll need asin or patis pang-timpla, and siling haba para may konting anghang. When it comes to gulay, gaya ng nasabi ko kanina, very adaptable ang sinigang, so kung anu meron ka sa mga gulay na pang-sigang. Talong na hiniwa ng pa-slant. Same with labanos. Okra, talbos ng kang-kong, sitaw na pinutol-putol into more or less 2 inches long, sibuyas, at kamatis. Pwede mo rin lagyan ng gabi kung gusto mo na medyo malapot ang sabaw.

How to Cook Sinigang na Baboy
Simple lang ang sinigang – one-pot dish nga tawag ko dito dahil wala ng gisa-gisa. Hulog-hulog lang ng mga ingredients sa pot at nakaluto ka na. Basically papakuluan mo lang ang baboy hanggang sa lumambot then add ang mga pampalasa, then gulay, at presto, may ulam na!
Sa isang pot, maglagay ng tubig then ihulog na agad-agad ang baboy. Bantayan mo muna, kase bago yan tuluyang kumulo, merong lulutang na parang foam na kulay gray (scum) – sagapin mo lang using sandok. Kapag nakuha mo na lahat at tumuloy na ang pagkulo, ihulog na ang sibuyas at kamatis (plus gabi – kung gusto mo lang, optional to). Pwede mo na rin timplahan ng asin o patis. (Ako, dito pa lang sa point na to, inilalagay ko na rin ang siling haba pero pwede naman nga na kasabay sya ng ibang gulay.)
Kapag malambot na ang karne, ilagay na ang mga gulay. Start kung anung gulay ang pinaka-matagal maluto like sitaw, then labanos and talong. Bago tuluyang maluto yung mga naunang gulay, isunod na ang okra, sili, at kangkong. Pwede mo na rin ilagay ang pampa-asim na sampalok mix.
(If gagamit ng sariwang sampalok, pakuluan muna ang sampalok sa konting tubig and then piga-pigain with konting sabaw hanggang humiwalay na ang balat, laman, at buto nito. Salain at i-add sa pot.)
I-check ang lasa bago tuluyang maluto ang mga gulay. Pwedeng dagdagan ng patis or asin kung matabang. Ganun din kung kulang sa asim, magdagdag ka ng sampalok.

Masarap na Kapares ng Sinigang
Ano nga ba ang masarap ipares sa sinigang na baboy – mainit na kanin, sympre! Saktong-sakto rin kapag may sawsawan kang patis na lalagyan mo ng sili (siling haba na kasama sa sinigang mismo). Masarap din option yun gabi na dinurog or minash sa patis. At para sa kagaya kong medyo mahilig sa maanghang – dinurog na gabi with sili sa patis!
Kung feel mong medyo magdiet or naka no-rice diet ka, perfect ang sinigang na baboy! May protein ka na from baboy plus gulay and sabaw pa – in fairness, nakakabusog naman din talaga.

Sinigang na Baboy
Ingredients
Method
- In a large pot, ilagay ang tubig at baboy at pakuluan using medium heat. Salain ang scum or greyish foam na iibabaw bago at kapag nagsisimula nang kumulo ang tubig.
- Ihulog na ang sibuyas, kamatis, at gabi. Timplahan ng patis (about 1-2 tbsp) or asin (about 1-2 tsp). Hintaying lumambot ang karne (about 40 minutes, check mo na lang from time to time kung malambot na using fork).
- Kapag malambot na ang karne, ihulog na ang mga gulay – depende sa kung gaano sila katagal maluto: Sitaw, talong, labanos (about 3-5 minutes) and then sili, kang-kong, at okra.
- Bago tuluyang maluto ang lahat ng gulay, ilagay na rin ang pampaasim at hayaang kumulo bago i-check ang timpla. Dagdagan ang patis o asin kung kulang sa alat at sampalok mix kung kulang sa asim.
- Pwede mong ligisin or durugin ang gabi kung gusto mo ng sabaw na medyo malapot. Ako preferred ko na dinudurog ang sili para ang sabaw is maasim-asim na may konting alat at anghang.
- Kapag sakto na ang timpla para sayo, hanguin at ihain with mainit na kanin.




