In a large pot, ilagay ang tubig at baboy at pakuluan using medium heat. Salain ang scum or greyish foam na iibabaw bago at kapag nagsisimula nang kumulo ang tubig.
Ihulog na ang sibuyas, kamatis, at gabi. Timplahan ng patis (about 1-2 tbsp) or asin (about 1-2 tsp). Hintaying lumambot ang karne (about 40 minutes, check mo na lang from time to time kung malambot na using fork).
Kapag malambot na ang karne, ihulog na ang mga gulay – depende sa kung gaano sila katagal maluto: Sitaw, talong, labanos (about 3-5 minutes) and then sili, kang-kong, at okra.
Bago tuluyang maluto ang lahat ng gulay, ilagay na rin ang pampaasim at hayaang kumulo bago i-check ang timpla. Dagdagan ang patis o asin kung kulang sa alat at sampalok mix kung kulang sa asim.
Pwede mong ligisin or durugin ang gabi kung gusto mo ng sabaw na medyo malapot. Ako preferred ko na dinudurog ang sili para ang sabaw is maasim-asim na may konting alat at anghang.
Kapag sakto na ang timpla para sayo, hanguin at ihain with mainit na kanin.