Subok na Tinolang Manok Recipe

a bowl of tinolang manok with sayote and malunggay

Another lutong-bahay na paborito ko ay ang subok ng tinolang manok recipe na to. Madali lutuin – simpleng cooking instructions coupled with simpleng ingredients – perfect! Tamang tama hindi lang tuwing umuulan at gusto mo ng mainit na sabaw, kundi pati tuwing feeling sick ka at gusto mong mainitan ang iyong tiyan.

A great go-to chicken recipe kapag nananawa ka na sa fried chicken – bukod sympre sa baka naman tumaas na cholesterol mo nyan kung puro prito na lang. I know, I know….ang mga bagets laging pritong manok ang request. Pero from time to time pwede din natin silang offer-an ng iba, right? It may be a stretch, but you can start with this tinola. Who knows, baka magkaron pa sila ng bagong favorite!

Tinolang Manok Ingredients

Ikaw na bahalang mamili kung anung parte ng manok ang gusto mong itinola. Chicken breast, chicken legs, a combination of both, or buong chicken. I love chicken laman-loob din sa tinola, like atay at balun-balunan. Yung iba naglalagay din ng dugo (Yes, dugo ng manok. Pero yung buo na dugo ah. Yung minsan may kasama pang kanin. Nabibili din yun sa palengke or minsan sa mga marunong magkatay ng manok, alam nila kung panu yan ginagawa).

Pero relax ka lang, wag ka ma-overwhelm, chicken legs or chicken breast are just as fine. Cut mo lang into serving pieces, and you’re halfway there sa pagtitinola.

Kakailanganin mo din ng bawang (kung plano mo igisa ang tinolang manok), sibuyas, at luya. Para pandagdag ng lasa pwede kang gumamit ng patis or plain salt is okay din.

tinolang manok ingredients laid out on a marble counter

Tinolang Manok with Malunggay

Malamang ang mas kilala mong tinola ay yung tinolang manok with malunggay. May nabibili namang malunggay sa palengke, yung bungkos-bungkos. Pero tingin-tingin ka din sa kapitbahay at baka meron sila, hingi ka na lang lalut ka-close mo naman si neighbor.

Tinolang Manok with Papaya

Kadalasan din, mas common sa iba ang tinolang manok with papaya. Eto yung hilaw na papaya, yung green pa. Gusto nila yung manamis-namis na lasa nito. Nagiging manamis-namis din ang lasa ng sabaw minsan. Pwede rin na pagsamahin ang papaya at malunggay.

Tinolang Manok with Sayote

Now, eto ang paborito ko, tinolang manok with sayote – kahit literal na mas madami pa ang sayote sa manok walang problema sa akin, haha! Baka para sa iba, natatabangan sila sa lasa ng sayote lalo at sanay sila sa papaya, personally though, I love sayote! (I know, ulet-ulet, kase nga favorite!)

a bowl of tinolang manok with sayote and malunggay, with a bowl of white rice, and  fish sauce with chilies for dipping

How to Cook Tinolang Manok Two Ways

Yes, tinolang manok two-ways. Pwede kang mamili kung alin ang mas gusto mo, yung iginigisa or yung diretso ‘sangkutsa’ na (more on this later). Either one, lasang tinola pa din naman yan. Kapag na-try mo na pareho then saka ka na magdecide kung alin ang mas bet mo.

Guisado

Kapag gusto mo ng ginigisa, sa kaldero maglagay ng konting mantika and then add luya. Hayaan mong mejo maprito-prito ang luya then ihulog ang sibuyas. Kapag lanta na ang sibuyas, ilagay ang bawang. Haluin lang hanggang magisa silang lahat sa mantika.

Now, ilagay na ang chicken at timplahan ng patis or asin. Hayaang magisa ng mga 3 minuto, mapapansin mo na parang nagsasabaw yan (di naman madami, pero sort of kakatas yung manok). Lagyan ng tubig para sa sabaw at hayaang kumulo. Halip na tubig, yung iba gumagamit ng pinaghugasan ng bigas (yes, yung pinag-unaban).

Hinaan lang ang apoy kapag kumukulo na at hayaang maluto ang manok. Kapag malapit nang maluto, ilagay na ang papaya or sayote at pakuluin ulet ng mga 5 minutes – depende kung gano kakapal ang pagka-slice mo sa papaya or sayote. Tikman na din kung sakto na yung patis or asin na inilagay mo.

Kapag luto na ang papaya or sayote (hint: kapag green na green na ang kulay nila), ihulog na ang malunggay, pakuluin, takpan, at hanguin na sa kalan ang kaldero.

Sangkutsa

Pwede mo ding subukan ang diretso sangkutsa lang. Ilagay sa kaldero ang manok, ilagay ang luya at sibuyas, timplahan ng patis o asin, takpan, at isalang sa kalan. Simulan sa medium heat. After mga 5 minutes check mo at haluin kung kinakailangan. Mapapansin mo na nagkakasabaw na ang sangkutsa mo. Hayan mo lang, hinaan mo lang ang apoy at lutuin hanggang sa lumambot ang manok.

Kung kaunti masyado ang lumabas na sabaw, pwede mo nang sabawan ang tinola mo. Pakuluin hanggang sa maluto ang manok.

Ihulog ang papaya or sayote once ready na ang manok. Tikman mo na din kung sakto na ang lasa ng sabaw. Add mo lang ang malunggay bago mo hanguin sa kalan ang tinola.

Ready to cook?
The full ingredients and step-by-step instructions are in the recipe card below.

a bowl of tinolang manok with sayote and malunggay

Tinolang Manok

How to cook tinolang manok? Simple lang yan – pwede mo itong igisa muna o diretso kaldero na (sangkutsa). Kahit alin, subok na masarap pa rin.
Total Time 40 minutes
Servings: 6
Course: Main Course

Ingredients
  

  • 1 kilo chicken (chopped into serving pieces)
  • 1 thumb-size ginger (sliced or julienned, more if you love the ginger taste)
  • 1 medium onion (sliced)
  • 3-4 cloves garlic (minced, optional lang kung mag-gigisa)
  • 1-2 tablespoon fish sauce (adjust to taste)
  • 6-8 cups water (or pinag-unaban / rice wash)
  • 2 cups green papaya or sayote (sliced)
  • 1 cup malunggay leaves
  • Salt and Pepper
  • 2 tablespoons cooking oil (for the guisado method)

Method
 

Option 1 Guisadong Tinolang Manok
  1. Sa kaldero, painitin ang mantika sa medium heat at igisa ang luya hanggang bahagyang mag-brown at maging mabango. Idagdag ang sibuyas, igisa hanggang lumambot, saka ilagay ang bawang.
  2. Ilagay ang chicken at timplahan ng patis. Igisa ng 3–5 minutes hanggang maglabas ng katas ang manok.
  3. Ibuhos ang tubig o pinag-unaban at pakuluin. Hinaan ang apoy at lutuin ng 20–25 minutes o hanggang lumambot ang manok.
  4. Ilagay ang papaya o sayote at pakuluin pa ng 5–7 minutes.
  5. Tikman at i-adjust ang lasa.
  6. Ihulog ang malunggay, takpan, patayin ang apoy, at pahingahin ng 1–2 minutes bago ihain.
Option 2 Sangkutsang Tinolang Manok (Diretso Kaldero)
  1. Ilagay sa kaldero ang chicken, luya, at sibuyas. Timplahan ng patis o asin, takpan, at isalang sa medium heat.
  2. Pagkatapos ng 5 minutes, haluin — lalabas na ang sariling sabaw ng manok.
  3. Pwede mo nang ilagay ang tubig or pinag-unaban ng bigas at muling pakuluin. Pwede mo ng hinaan ang apoy at patuloy na lutuin hanggang lumambot ang manok (around 20–25 minutes).
  4. Idagdag ang papaya o sayote at pakuluin ng 5–7 minutes (depende kung gaano kakapal ang pagkahiwa mo sa papaya or sayote.
  5. Tikman kung ayos na ang timpla, dagdagan ang patis kung kulang sa lasa.
  6. Ihulog ang malunggay, takpan, patayin ang apoy, at pahingahin ng 1–2 minutes bago ihain.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recipe Rating