Ingredients
Method
Option 1 Guisadong Tinolang Manok
- Sa kaldero, painitin ang mantika sa medium heat at igisa ang luya hanggang bahagyang mag-brown at maging mabango. Idagdag ang sibuyas, igisa hanggang lumambot, saka ilagay ang bawang.
- Ilagay ang chicken at timplahan ng patis. Igisa ng 3–5 minutes hanggang maglabas ng katas ang manok.
- Ibuhos ang tubig o pinag-unaban at pakuluin. Hinaan ang apoy at lutuin ng 20–25 minutes o hanggang lumambot ang manok.
- Ilagay ang papaya o sayote at pakuluin pa ng 5–7 minutes.
- Tikman at i-adjust ang lasa.
- Ihulog ang malunggay, takpan, patayin ang apoy, at pahingahin ng 1–2 minutes bago ihain.
Option 2 Sangkutsang Tinolang Manok (Diretso Kaldero)
- Ilagay sa kaldero ang chicken, luya, at sibuyas. Timplahan ng patis o asin, takpan, at isalang sa medium heat.
- Pagkatapos ng 5 minutes, haluin — lalabas na ang sariling sabaw ng manok.
- Pwede mo nang ilagay ang tubig or pinag-unaban ng bigas at muling pakuluin. Pwede mo ng hinaan ang apoy at patuloy na lutuin hanggang lumambot ang manok (around 20–25 minutes).
- Idagdag ang papaya o sayote at pakuluin ng 5–7 minutes (depende kung gaano kakapal ang pagkahiwa mo sa papaya or sayote.
- Tikman kung ayos na ang timpla, dagdagan ang patis kung kulang sa lasa.
- Ihulog ang malunggay, takpan, patayin ang apoy, at pahingahin ng 1–2 minutes bago ihain.
