Classic Adobong Baboy

a pot of adobong baboy

Isa sa mga lutong-bahay na una kong natutunan lutuin ang adobong baboy. Bukod sa madali lang sya, napaka simple pa ng mga ingredients. Swak na swak kapag wala ka nang masyadong stocks sa bahay. (I know, minsan talagang nauubusan ka din talaga ng mga rekados.)

Perfect ulam din ang adobong baboy kapag medyo busy ka dahil literal na pwede mo syang isalang at balikan mo na paglalaba mo, panunuod mo ng youtube, or pagmo-moment mo – no judgement here, we all have lazy day every once in a while!

Adobong Baboy Ingredients

Kung may baboy ka sa ref, suka, toyo, bawang, sibuyas, paminta, at bay leaf – sus, magkakatalo-talo na! Ito yung mga ingredients na more or less lagi tayong meron sa bahay. Mga staple ingredients sabi nga nila. Kung di ka pa aware, then yes, make sure na lagi kang meron nito sa bahay. Dami mo nang maluluto kapag meron ka ng mga ingredients na to.

As to anong cut ng baboy – masarap yung liempo kase me laman and then may taba. Pero kung anung meron ka dyan, pwede na ding paubrahin yan. Buto-buto? Ribs? Kasim? Game na yan.

Paano Magluto ng Pork Adobo

Nung sinabi kong simple ang adobo, I meant simple lang talaga. Una, hiwain ang sibuyas at bawang. Yung bawang pwede mong smash lang ng kutsilyo (lalu na kung palagamit ka ng butcher’s knife). Yung sibuyas naman, simpleng slice mo lang.

Then sa kaldero (yes diretso na tayo sa kaldero), ihalo sa bawang at sibuyas and suka at toyo. Lagyan mo ng paminta (buo o durog, or a combination of both, bahala ka na), at bay leaf – and just like that, may adobong baboy marinade ka na!

Ang baboy naman, hiwain mo lang into serving pieces. Up to you kung gusto mong malaki than normal or kung gusto mong mas liitan. Pag nahiwa mo na according sa preference mong size, ilagay mo na sa kaldero na may adobong baboy marinade.

Let it sit for a few hours, or pwede din namang diretso na sa kalan. Depende kung may time ka pa maghintay na ma-marinade ang baboy. If not, don’t worry, okay din naman na diretso luto na.

Isalang sa kalan sa high heat until mag start kumulo. Hayaan mo lang walang takip at huwag mong hahaluin. After mga 2-3 minutes, pwede mo na syang haluin para sure na maabot ng marinade ang lahat ng karne.

Pwede mo nang takpan, hinaan ang apoy, at patuloy na pakuluan hanggang lumambot ang karne. Kapag non-stick ang pot na ginamit mo, pwede mo na talaga syang iwan at balikan na lang after mga 30-45 minutes. Pero kapag regular kaldero, kailangan mong haluin from time to time para sigurado kang di nasusunog or dumidikit ang ilalim.

After kulang-kulang isang oras (depende kase kung gano kalambot or kakunat ang baboy mo), luto na ang adobong baboy! Yes, ang simple diba? Serve mo na with kanin, and sawsawang patis na may sili! Yum!

Adobong Baboy na Tuyo?

Ang classic adobong baboy na alam natin ay kadalasang may konting sabaw. Di naman sabaw na parang nilaga or sinigang, pero yes, may sabaw sya – or sauce. Masarap nga ibahog sa kanin diba? Pero kapag adobong baboy na tuyo ang pinag-uusapan, eto yung adobo na wala ng sabaw, sobrang lambot na, at nagmamantika na!

Don’t worry, same adobo recipe pa din tayo. Ang pagkakaiba lang, kapag malambot na ang karne ng adobo mo, patuloy mong pakuluan sa medium to high heat ng walang takip para mag-evaporate ang sabaw.

Ang resulta? Lalambot lalo ang karne habang natutuyo naman ang sabaw – hence, adobong baboy na tuyo. Sometimes, angry adobo din ang tawag, bakit? Dahit kapag nag-start nang matuyo ang sabaw, magsisimula na ding lumabas ang mantika ng baboy. Ingat ah, medyo matalamsik lalo’t mataba ang baboy na nabili mo. Medyo i-ready mo ang takip ng kaldero bilang shield kapag hinahalo mo.

Habang natutuyo ang adobo, mas nagiging concentrated ang lasa. And although wala nang sabaw na masarap ibahog sa kanin, no worries, kase masarap din ibahog sa kanin ang mantikang lumabas sa adobong baboy na tuyo.

adobong baboy served with white rice and fish sauce with chilies for dipping sauce

Ready to cook?
The full ingredients and step-by-step instructions are in the recipe card below.

a pot of adobong baboy

Adobong Baboy

Classic adobong baboy na simple at swak sa busy days – konting ingredients lang, madaling lutuin, at pwedeng may sabaw o gawing adobong baboy na tuyo. Perfect ulam kahit anong araw.
Total Time 1 hour
Servings: 6
Course: Main Course

Ingredients
  

  • 1 kilo pork liempo (hiwain into serving pieces)
  • ½ cup vinegar
  • cup soysauce
  • 1 head garlic (smashed or minced)
  • 1 medium onion (sliced)
  • 1-2 teaspoons pepper (whole or ground, or mixed)
  • 2-3 pieces bay leaf
  • 1 cup water (optional, depende kung gaano kalambot ang karne mo or kung gaano kadami ang gusto mong sabaw)

Method
 

  1. Ihanda ang marinade.
    Sa kaldero, pagsamahin ang bawang, sibuyas, suka, toyo, paminta, at bay leaf. Haluin nang bahagya.
  2. Ilagay ang baboy.
    Idagdag ang hiniwang pork liempo. Pwede mo itong i-marinate ng 30 minutes to a few hours or pwede namang diretso na sa kalan.
  3. Pakuluan.
    Ilagay sa high heat hanggang magsimulang kumulo. Hinaan na ang apoy pag nagsimulang kumulo pero huwag muna hahaluin – hayaan mo munang maluto ang suka. After about 2-3 minutes pwede nang haluin. Takpan. Hinaan ang apoy at pakuluan hanggang lumambot ang karne. Mga 40-60 minutes, depende sa lambot ng liempo.
  4. Tikman at i-adjust ang lasa.
    Tikman ang alat at asim. Pwede kang magdagdag ng kaunting toyo o tubig kung kinakailangan. Pakuluan hanggang ma-achieve ang gusto mong sabaw ng adobo mo – kung gusto mo ang adobong tuyo, pakuluan lang ng walang takip at hayaang mag-evaporate ang sabaw hanggang magmantika na ang baboy.
  5. Now serve.
    Kapag malambot na ang baboy at balanced na ang lasa, pati and desired sabaw na gusto mo (or none, kung adobong tuyo) – pwede nang i-serve agad-agad with mainit na kanin.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recipe Rating