- 1 kilo pork belly (hiwain into bite-size pieces)
- 3-4 medium eggplant (sliced, pabilog o pahaba)
- 3 tablespoons cooking oil
- 1 head garlic (minced)
- 3 medium onions (chopped)
- 3-4 tablespoons bagoong alamang (start with 3, dagdagan kung kailangan)
- 2 medium tomatoes (optional)
- 2-3 pieces siling haba (siling panigang, yung green na mahaba)
- 1½ cups water (or more, depende kung makunat ang baboy mo)
- ¼ cup vinegar
- ½-1 teaspoon sugar (optional, pang-balanse lang ng lasa)
- ½-1 teaspoon black pepper
Talong munaI-pan-fry ang talong hanggang lightly browned at malambot. Itabi. I-brown ang baboySa kaldero o kawali pakuluan ang baboy sa tubig – just enough na covered ang baboy mo. Hayaang kumulo at matuyo ang tubig hanggang sa magmatika ang baboy at medyo mag brown. Magsimulang mag-gisaItabi ang baboy sa isang gilid ng pan, at simulang mag-gisa (magdagdag ng mantika kung kinakailangan). Gisahin ang sibuyas hanggang sa mag translucent. Isunod ang bawang at gisahin hanggang maging aromatic. Ilagay na ang bagoong at hayaan magisa ng about 1 minute. After that, haluin na lahat hanggang ma-coat ng mga aromatics at bagoong ang baboy. Pakuluin at palambutinIbuhos ang tubig, idagdag ang siling haba at timplahan ng paminta. Hayaang kumulo sa malakas na apoy. Kapag kumukilo na, hinaan na ang apoy at ilagay ang suka. Hayaan kumulo ng mabuti without stirring para hindi mahilaw ang suka. After mga 2-3 minutes pwede mo na syang haluin, takpan, at pakuluan hanggang sa lumambot. Depende sa quality ng baboy kung gaano mo sya katagal pakukuluan, around 30–35 minutes pwede mo na tingnan kung malambot na. Timpla checkHabang chinecheck mo kung fork-tender na ang karne, check mo na din kung sakto na ba ang timpla. Pwede mong dagdagan ang bagoong kung nakukulangan ka sa alat, or dagdagan ng sili kung nakukulangan ka sa anghang. Final kuloKung sakto na ang lasa para sayo, pakuluan mo na lang hanggan sa ma-achieve kung anung bet mo – me sabaw ba or yung tuyo.Kung type mo yung nagmamantikang pork binagoongan, pakuluan mo sya ng walang takip hanggang sa tuluyang mag-evaporate ang sabaw at magsimulang lumabas ang mantika ng baboy. Ready to serveBago hanguin, pwede mong ihulog ang pritong talong. Pwede mo din naman na i-serve sya separately na parang side dish. Extra step para sa binagoongang baboy with gataKapag gusto mo ng pork binagoongan na may gata, sa step 4, after mo mailagay at maluto ang suka, pwede mo nang isunod ang gata. Make sure lang na mahina ang apoy habang nilalagay mo at hinahalo mo continuously. Wait for about 5 minutes or habang maiba na ang consistency ng sabaw. After that pakuluin lang in low heat hanggang sa lumambot ang karne.