Go Back
paksiw na bangus with eggplant and green chilies

Paksiw na Bangus

Simple at subok na paksiw na bangus na niluto sa suka, luya, at sibuyas. Isang madaling lutong-bahay na masarap ipares sa mainit na kanin at sawsawang patis o bagoong.
Total Time 40 minutes
Servings: 6
Course: Main Course

Ingredients
  

  • 1 kilo bangus (cut into serving pieces)
  • 1 medium onion (sliced)
  • 1 thumb-size ginger (pinitpit o thinly sliced)
  • ½ cup vinegar
  • 1-1½ cups water (pinag-unaban ng bigas)
  • 2-3 pieces siling-haba (green chilies)
  • salt or fish sauce
  • dahon ng sili
  • 1 medium ampalaya (hiniwa ng medyo makapal)
  • 1 medium eggplant (hiniwa ng pa-diagonal)
  • 1 small puso ng saging (peeled and cut into quarters)

Method
 

  1. Pagsama-samahin sa kaldero.
    I-layer ang bangus sa kaldero. Ilagay ang sibuyas, luya, at napiling gulay. Isama ang siling haba at dahon ng sili. Ibuhos ang suka, timplahan ng asin, at ilagay ang tubig o pinag-unaban ng bigas.
  2. Pakuluin nang walang takip.
    Isalang sa kalan at pakuluin using high heat. Kapag kumukulo na hinaan na ang apoy at hayaang kumulo ng 3-5 minutes ng walang takip at nang hindi hinahalo para mawala ang “hilaw” na lasa ng suka.
  3. Hinaan ang apoy at palambutin.
    Kapag nakakulo na ng 3-5 minutes, hinaan na ang apoy, takpan, at patuloy na lutuin hanggang sa lumambot or maluto ang bangus (nakaangat na ang kaliskis ng bangus), mga around 30 minutes (or mas matagal pa kung gusto mo) para mas maging malasa ang sabaw nito.
  4. Ihain with patis or ginisang bagoong.
    Ihain nang mainit, kasama ng mainit na kanin at ginisang bagoong o patis na may sili para sa sawsawan.