- 1 cup hilaw na bagoong alamang
- 2 tablespoons cooking oil
- 1 medium onion (sliced)
- 4 cloves garlic (minced)
- 1-2 medium tomatoes (diced, optional)
- 2-3 pieces calamansi (juice and rind)
- 2-3 tablespoons vinegar (optional, kung wala kang calamansi)
- 1-2 tablespoons sugar (adjust to taste, more kung gusto mo ng sweet bagoong)
- 2-3 pieces siling labuyo (optional, kung gusto mo ng spicy bagoong)
- 1/2 cup pork fat (cut into small pieces, optional)
Igisa ang aromatics.Painitin ang mantika sa kawali o kaldero. Igisa ang sibuyas hanggang maging malambot, saka idagdag ang bawang. Haluin hanggang maging mabango. Isunod ang kamatis at sili (kung spicy bagoong ang gusto mo).Kung gagamit ng baboy, pakuluan s akonting tubig hanggang sa magmantika, simulant ang paggigisa kapag lumabas na ang mantika. Idagdag ang bagoong.Ihalo ang hilaw na bagoong alamang. Haluin nang dahan-dahan at hayaang kumulo-kulo sa medium-low heat. Lagyan ng asim.Pigaan ng kalamansi ang bagoong at isama pati ang pinagpigaang balat. Kung suka ang gamit, idagdag ito ngayon. Huwag takpan. Timplahan at pakuluan.Ilagay ang calamansi juice, isama mo na din yung mismong rind (or suka kung wala kang kalamansi). Timplahan ng asukal at haluin (dagdagan ang asukal kung gusto ng sweet bagoong). Hayaang kumulo ng mga 15 minuto hanggang lumapot at mawala ang sobrang alat.Kung gusto mo ng mas tuyong bagoong, ipagpatuloy ang pagpapakulo hanggang mas mag-evaporate ang katas. Tikman at ayusin ang lasa.Tikman at i-adjust ang asukal o asim ayon sa panlasa. Kapag balanse na, patayin ang apoy at palamigin. Isalin sa malinis na bote or container (basta airtight) at ilagay sa ref.