Hindi mawawala sa listhan ng mga lutong-bahay na ulam ang paksiw na bangus. Lalo na yung bangus na mataba. Mapapadami ka ng kanin kapag tinernuhan mo ng bagoong or patis na may sili. At depende sa version na alam mo – yung masabaw or yung halos tuyo na, masarap din tong ibahog sa kanin.
Bukod sa madali lang lutuin, tatak pinoy din talaga ang paksiw na bangus kaya pangkaraniwang nakikita sa hapag-kainan. (Lamesa, dear, lamesa. Or table kung hindi ka din pamilyar sa Spanish version ng mesa. No judgement here, madami akong pamangkin na medyo hindi pamilyar sa tagalog words lalo na kapag medyo malalim, haha!)
Going back to our paksiw, perfect itong ulam idea kapag medyo nagmamadali ka or kapos ka sa oras. At dahil napakasimple lang na rekados na kailangan mo, malamang kesa hindi meron ka na ng mga ito sa kusina mo.
Paksiw na Bangus Ingredients
Kapag bumili ka ng bangus sa palengke at ipapalinis mo sa tindero o tindera, sabihin mo na pang-paksiw. Same thing kung sa groceries ka bibili, just let them know na paksiw ang balak mong lutuin. Hindi nila tatanggalin ang kaliskis.
Now, kakailanganin mo din ng sibuyas, luya, suka, at asin. Kung may sili kang haba (yung kulay green na panigang or pang-sinigang) at dahon ng sili, mas mainam. Kung wala naman, keri na, paksiw na din yan.

With Ampalaya
Kung ang gusto mo ay paksiw na bangus with ampalaya, then isama mo lang ang hiniwang ampalaya sa pagluluto. Hiwain ang ampalaya sa gitna, tanggalan ng buto at hiwain ng medyo makapal. Hindi yung maninipis na pang ginisang ampalaya, mas kapalan mo pa.
With Talong
Kung talong ang meron ka, then paksiw na bangus with talong ang lutuin mo. Hiwain lang ng medyo makapal na pa-diagonal ang talong. Pero actually, kanya-kanyang style, kung gusto na mas pabilog ang hiwa, or into quarters lang, then be it. Kung san ka happy, anak.
With Puso ng Saging
Yes, puso ng saging (or technically bulaklak ng saging). Tanggalin mo lang yung outer layer, yung halos gitna na lang matitira. Keep in mind na mas tender part sympre yung bandang gitna ng puso. Hiwain mo lang into quarters lalo kung maliit lang naman yung puso ng saging. Medyo iniiwasan natin na masayadong maliit ang pagkaka slice para hindi sila ganung maghiwa-hiwalay kapag luto na.
Paano Magluto ng Paksiw na Bangus in Two Steps
Yes, in two steps lang. Syempre given na naka-prepare na yung mga ingredients: yung bangus, hiniwang sibuyas at gulay, pinitpit o hiniwang luya, suka, asin, at tubig or pinag-unaban or pinaghugasan ng bigas.
First step, pagsamasamahin mo lang lahat sa kaldero ang mga ingredients. Yes, you heard it right. Layer mo yung bangus, then ilagay mo yung sibuyas, luya, at gulay (depende kung ampalaya, talong, or puso ng saging ang bet mo) including siling haba at dahoon ng sili. Now add suka, asin, at tubig or pinag-unaban ng bigas.
Second step, isalang sa kalan without cover hanggang sa kumulo. Kapag kumukulo na, hinaan na ang apoy into medium and patuloy na lutuin ng mga around 3-5 minutes. After nun, pwede mo ng takpan, hinaan ng todo ang apoy, at hayaang maluto ng mga around 30 minutes. Madali lang maluto ang isda, pero mas malinamnam ang lasa lalo na ng sabaw kapag matagal syang pinakuluan.
Now, pwede mo nang ihain ang paksiw mo. Preferably with ginisang bagoong or kaya patis na may sili. Sarap nyan! Hinay-hinay sa kanin mga anak!
Iba-ibang Version ng Paksiw na Bangus
Bukod sa paksiw na bangus with ampalaya, paksiw na bangus with talong, at paksiw na bangus with puso ng saing, meron namang plain paksiw lang. As in paksiw na bangus, period.
Kung sanay ka sa paksiw na bangus na may sabaw, meron din namang paksiw na bangus na tuyo (not naman as in tuyo, ang lagay hindi masabaw). Paano gawin to? Easy. Same paksiw na bangus ingredients minus yung mga gulay at tubig or pinag-unaban ng bigas. Ang magiging sabaw lang nya (konting sabaw, that is) is yung suka. Ang since mas konti ang sabaw nya, make sure na nakaalalay ka lang sa apoy para hindi matuyo agad agad ang sabaw.

Key Tips sa Pagpapaksiw
Keep in mind na kapag nagluluto ng paksiw na bangus – iwasang mahilaw ang suka. I know ‘mahilaw ang suka’ sounds weird lalo na kung hindi pa pro sa cooking. It only meant, hayaan mo munang maluto ang suka without cover by letting it simmer. Based on experience, mga 3 to 5 minutes mo syang dapat pakuluan, then saka mo lang sya takpan.
At para malaman kung luto na ang paksiw, check mo kung nakabaliktad na ang kaliskis ng bangus. Okay, relax, nakabaliktad ang term pero basically ang ibig sabihin nakaangat na sya pag tiningnan mo. Kung mapapansin mo ang kaliskis ng bangus kapag hilaw pa ay very tight looking, nakadikit talaga sa skin ng bangus. Again, sa paksiw, kapag sinabing nakabaliktad na ang kaliskis, noticeable nan aka-angat na to.
(Don’t worry too much, wala namang kaso kung napatagal ang luto mo – mas mainam nga dahil mas nagiging malasa. Ingatan mo lang matuyuan ng sabaw lalo na kung suka lang ang pinakasabaw mo. Make sure na nasa pinakamahina ang apoy para hindi masunog.)

Paksiw na Bangus
Ingredients
Method
- Pagsama-samahin sa kaldero.I-layer ang bangus sa kaldero. Ilagay ang sibuyas, luya, at napiling gulay. Isama ang siling haba at dahon ng sili. Ibuhos ang suka, timplahan ng asin, at ilagay ang tubig o pinag-unaban ng bigas.
- Pakuluin nang walang takip.Isalang sa kalan at pakuluin using high heat. Kapag kumukulo na hinaan na ang apoy at hayaang kumulo ng 3-5 minutes ng walang takip at nang hindi hinahalo para mawala ang “hilaw” na lasa ng suka.
- Hinaan ang apoy at palambutin.Kapag nakakulo na ng 3-5 minutes, hinaan na ang apoy, takpan, at patuloy na lutuin hanggang sa lumambot or maluto ang bangus (nakaangat na ang kaliskis ng bangus), mga around 30 minutes (or mas matagal pa kung gusto mo) para mas maging malasa ang sabaw nito.
- Ihain with patis or ginisang bagoong.Ihain nang mainit, kasama ng mainit na kanin at ginisang bagoong o patis na may sili para sa sawsawan.




