Kung may naani kang talong sa vegetable garden mo then it’s time for a tortang talong recipe. Now, relax ka lang, pwede ka namang bumili ng talong sa palengke o sa grocery store. Ang importante kapag may talong, you’re literally more than halfway to having a tortang talong for ulam.
Bukod sa sobrang simple lang lutuin, napakasimple lang din ng mga ingredients. Perfect kung medyo busy ka para magluto ng komplikadong ulam. Yung iba iteneterno to sa pritong isda, pero honestly, tortang talong pa lang, para sa kin, ulam na.
Tortang Talong Ingredients
Para sa tortang talong recipe na to, you only need 5 ingredients. Talong sympre, itlog, mantika for frying, salt, and pepper. That’s it, may tortang talong ka na. Now, kung gusto mong i-level up ang tortang talong mo pwede mong lagyan ng giniling. Yes! Kung may tira kang ginisang giniling, ihalo mo lang at presto, may tortang talong with gininling ka na!

How to Cook Tortang Talong
Ang tortang talong recipe na nakasanayan ko ay ung gawa sa talong na inihaw. Although yung iba inilalaga na lang instead of grilling. Pwede din naman nga, pero I find it medyo malabsa, saka hinahanap-hanap ko yung smoky flavor na ma-a-achieve mo lang kapag grilled yung talong. Anyway, up to you, iihaw or ilaga mo, pero for this recipe dun tayo sa inihaw na version.
So ayun nga, ihawin ang talong sa open fire (sa baga kung nagkataon na may iniihaw kang iba dyan). Don’t worry, di basta-basta masusunog yan. Actually, iintayin mo talang masunog or mangitim yung balat ng talong. Ibiling-biling mo lang para lahat ng sides ma-torch yung balat. After that, medyo palamigin mo lang and remove the skin.
Now sa isang bowl, i-beat lang ang eggs and season it with salt and pepper. Then dip mo sa egg yung lightly smashed talong (bahagya lang, wag naman to the extent na nagkahiwahiwalay na, kind of para lang maflatten mo yung talong – imagine kung ano itsura ng tortang talong).
Then sa pan with mantika, simply fry it for say a couple of minutes for each side and that’s it, may tortang talong ka na! Kung gusto mo na medyo crispy ang edges, dagdagan mo yung itlog by simply pouring in more kapag nailagay mo na yung talong (na na-dip mo na sa egg mixture) sa pan. This extra egg is the part that will crisp a bit.

Paano I-serve ang Tortang Talong
Pwedeng pangterno ang tortang talong sa pritong isda, pero honestly tortang talong pa lang, ulam na! Simply serve with kanin and a mixture of suka at patis para sa sawsawan. Add chopped chilis kung mahilig ka din sa maanghang na sawsawan gaya ko. Banana ketchup or tomato ketchup is also a great sawsawan idea.
Talong Pa More!
Kung madami talaga ang naani mo (or nabili mo) na talong, pwede ka ding mag-paksiw na isda, binagoongan na baboy, pritong talong with chili-garlic sauce, or pakbet.
Pwede din na i-terno sa pritong isda ang talong as is. Like, simpleng pritong talong (na hinati lengthwise then cut into four) or simpleng nilagang talong. Just serve with suka at patis or suka at bagoong for sawsawan.

Tortang Talong
Ingredients
Method
- I-grill or ihawin ang talong hanggat masunog or umitim ang balat. Hayaang lumamig ng bahagya at alisin ang balat. I-mash ng bahagya para ma-flatten ang talong.
- Sa isang bowl, i-beat ang eggs at timplahan ng salt and pepper.
- I-dip ang talong sa egg mixture at iprito sa pan with cooking oil for approximately 2 minutes each side.
- Serve with rice and ketchup or a mixture of suka at patis (add chopped chilis if you want it spicy) for sawsawan.




