Another simpol ulam idea – pork binagoongan with talong. Bukod sa madaling lutuin, hindi rin kinakailangan ng komplikadong ingredients. Saktong-sakto sa bagong lutong kanin. At wala ding kaso kung paulit-ulit ulamin – minsan nga mas sumasarap pa mentras naluluma sa ref, so no problem kung napadami ang luto mo.
Pork Binagoongan Ingredients
Para sa binagoongang baboy, piliin mo yung parteng liempo or belly. Yung may layer ng taba at laman. Perfect yun lalo na kapag nagmantika na. Hiwain mo lang into serving pieces.
Iready mo din ang panggisa – sibuyas, bawang, tomatoes (optional ito for me, kadalasan hindi ako naglalagay – no particular reason, di ko lang nakasanayan). Kakailanganin mo din ng siling haba, suka, paminta, at tubig. Para sa talong, lightly fry mo sa pan separately. Kapag nagbago na kulay, pwede na yan. Kung wala ka namang talong na available, don’t worry, binagoongan pa din yan kahit walang talong.
At sympre pa, hindi magiging binagoongan yan kung wala ang bagoong. Personally, I prefer using ginisang bagoong na niluto from palengke. Pwede din naman yang bottled and ready-to-use na bagoong from groceries. Actually, I do use Barrio Fiesta kapag naubusan ako ng ginisang bagoong.

How to Cook Pork Binagoongan
Sa kaldero o pan, ilagay ang liempo at pakululan sa tubig (just enough to cover yung baboy). Hayaan mo lang kumulong walang takip hanggang sa mag-evaporate na yung tubig at unti-unti nang nagmamantika ang baboy mo.
Kapag lumabas na ang mantika (pwede ka ding magdagdag kung di enough yung mantika from liempo), medyo igilid mo muna ang baboy sa pan para magka-space ka para sa paggigisa ng sibuyas, bawang, at kamatis. Hayan mo lang silang magisa ng mga 1-2 minutes and then ihulog mo na ang bagoong. Haluin lang ng mabuti para ma-coat ang baboy.
After 2-3 minutes, pwede mo nang lagyan ng tubig para simulan ang pagpapalambot sa baboy. Kapag kumukulo na, ilagay ang suka at hayaang kumulo ng 2-3 minutes without stirring (para hindi mahilaw ang suka). After naman nun, ihulog mo na ang siling haba at pwede mo na syang takpan. Hinaan na ng todo ang apoy at pakuluan ng around 30-45 minutes hanggang sa lumambot ang baboy.
Kapag fork-tender na ang baboy (yung madali na syang matusok ng tinidor), almost done ka na. It’s time to check yung lasa. Pwede mong dagdagan ang bagoong kung nakukulangan ka pa sa lasa. Be careful lang, remember, maalat ang bagoong.
Kung enough na yung natirang sabaw para sayo then good, pero kung gusto mo nung medyo tuyong pork binagoongan na ala adobong baboy na tuyo, then boil it further ng walang takip hangngang sa maubos ang sabaw at tuluyang magmantika ang baboy.
Kung gusto mo nang maanghang na binagoongang baboy, aside from siling haba, pwede mo din samahan ng siling labuyo ang pork binagoongan mo habang ginigisa.
Pwede mong ihalo ang pritong talong towards the end, or pwede naman na iserve mo separately na parang side dish.
Regular Binagoongang Baboy
Yung pork binagoongan recipe above na ginawa natin, iyan yung regular na binagoongan baboy. Hindi rin kailanga na may talong – pwedeng wala, lalo na’t naubusan ka na ng talong or di mo naman masyadong bet ang talong.
Binagoongang Baboy with Gata
Now, kung ang gusto mo naman ay binagoongang baboy with gata – don’t worry, it’s as simple as adding gata.
Kapag medyo malambot na ang baboy (habang madami pa ang sabaw), hinaan ang apoy at ilagay lang ang gata. Make sure lang na hinahalo nyo ng madalas para hind ma-kulta or mag-curdle ang gata. Maybe about 5 minutes or kapag napansin mo na hindi na watery ang sabaw, somehow may konting lapot or creamy na ang dating.
Kapag naachieve mo na ito, pwede mo nang tigilan ang paghahalo. Takpan at hayaan lang na kumulo hanggang tuluyang lumambot ang karne at ma-achieve ang gusto mong consistency – masabaw ba ang bet mo or yung medyo tuyo na nagmamantika.
Common Mistakes sa Pagluluto ng Pork Binagoongan
Although madali or simple lang ang pagluluto ng pork binagoongan, hindi rin maiiwasan na minsan sumsablay. No worries, anak, part ng kusina life yan. Kadalasan pwede naman remedyuhan.
Ang pork binagoonganay ay savory na ulam, medyo maalat na may asim at konting hint ng tamis. Malalasahan mo ang bagoong pero hindi over-powering. At kahit may gata pa to, hindi ito sobrang creamy na parang bicol express.
Common mistakes kapag nagluluto ng binagoongang baboy:

Maalat
- Napadami ang lagay ng bagoong or maalat masyado ang bagoong to begin with.
Kaya importante na tikman mo din ang bagoong mo bago gamitin – meron kaseng bagoong na masyadong maalat. If this is the case, then hinay-hinay sa paglalagay ng bagoong.
Let’s say, eto na, maalat na, so pano na? Kung kasalukuyan pang madami ang sabaw, pwede mong bawasan at itapon to and then add more water para ma-dilute ang alat. Pero kung hindi naman oa ang pagiging maalat, pwede mo ding dagdagan ng suka para makontra plus maybe about half a teaspoon na asukal.
Kung paubos na ang sabaw at nung tinikman mo ang karne mismo, you found out na maalat na din talaga ang baboy – well base on experience, ang ginawa ko sinabawan ko siya ng madami. Hinintay kong kumulo (kind of para mahugasan yung alat sa karne), and then tinapon ko ang sabaw.
After nuon, nilagyan ko ng konting tubig na magiging sabaw nya na, at tinimplahan ko ulet ng suka at sili (lalo na kung na-wash naman masyado pati anghang). Same thing din with bagoong – but be very careful this time, otherwise balik alat ka na naman.
Kung keri pa ng lasa, meaning ok pa na madagdagan ng onti pang alat, nilalagyan ko din ng pork bouillon cubes. Since literal na nahugasan na pati lasa ng baboy, so konting tulong din sympre.
Maasim
- Kapag nahilaw ang suka, nagiging masyadong maasim kapag hindi naluto ng maayos.
Kapag nagluluto na may sangkap na suka, make sure na hindi muna hinahalo ang dish habang hindi pa luto ang suka. Say mga 2-3 minutes. Kapag hinalo ng di pa masyadong nakukuluan ang suka, dun nangyayari yung sinasabi nila na ‘nahilaw ang suka’ – masyadong maasim or mabagsik ang asim.
Makakatulong na pakuluan pa ng mas matagal ang pork binagoongan mo kapag nahilaw ang suka. Mas okay kung yung halos maubos na ang sabaw. By then kase mas nagigin mild na yung asim from suka. Pwede mo ding lagyan ng konting asukal, say half a teaspoon.
Oftentimes, lalu na kapag nagmantika na ang binagoongang baboy, nao-offset na din yung asim from hilaw na suka.
Makunat na karne
- Hindi naluto ng sapat or ‘matanda’ yung baboy na nabili mo.
Although simple lang ang pagluluto ng pork binagoongan, it does involves patience din talaga. Huwag mo naman hadaliin. Like masydong malakas ang apoy kaya nangaunti or naubusan agad ng sabaw bago pa makalambot ang baboy.
Pwede naman ding dahilan na ‘matanda’ yung baboy na nabili mo. Not sure din, pero kadalasan ko din tong naririnig sa lola ko dati – in my mind, ah matanda na kaya makunat. I think medyo ganun na nga. It helps kung suki mo na ang binibilan mo ng baboy para alam mong quality meat ang binebenta sayo.
Pero ayun na nga, makunat or matigas ang karne – simple lang, lagyan mo pa ng tubig, lalu na kung konti or tuyo na yung pork binagoongan mo. Hintayin kumulo and then once kumukulo na hinaan na ang apoy at hayaang lumambot ang karne. Be patient, anak. Minsan sadyang makunat ang baboy. Check mo lang from time to time.
Kapag ang gusto mong binagoongang baboy is yung halos tuyo na at nagmamantika, make sure na check mo muna na fork-tender na yung meat bago mo sya tuluyan tuyuin (that is papakuluan mo na sya uncovered hanggang sa maubos ang sabaw at magmantika na).
Matabang sa bagoong
- Masyadong na-stress sa paglalagay ng bagoong.
Common mistake din ito ng mga newbie pa lang sa pagluluto ng binagoongan. Nagiging very conscious sa paglalagay ng bagoong – kase nga baka umalat. Valid naman ang reason. Kaso nga lang sa sobrang conscious ayun na-stess na, onti nang masyado ang nailagay.
Well, ang good news, madali naman itong maremedyuhan – add ka lang ulet ng bagoong. Then let it simmer for say 5 minutes saka mo tikman ulet. Huwag naman yung kakalagay pa lang, tikim agad. Hayaan mo munang makakulong mabuti bago mo tikman.
Hindi nag-mantika
- Hindi na-achieve yung tuyong binagoongang baboy.
Pwedeng dahil hindi mataba yung baboy mo to begin with. Kaya I prefer liempo kapag nagluluto ng pork binagoongan. Para gaya ng nabangit ko, may layer ng laman and may layer ng taba.
Eh kung ganun na nga, masyadong malaman yung cut ng baboy na ginamit, wala or wala masyadong taba – cheat code ko, I put quite a lot of mantika sa pag-gigisa. Kase aminin na natin, masarap naman talaga yung mamantika, haha! Kaway-kaway sa matataas ang cholesterol dyan, hinay hinay lang sa pagkain. Moderation, anak, is the key.
Pwede din namang masyadong malakas ang apoy mo, so natuyo agad ang sabaw pero hindi pa ready ang liempo na mag-release ng mantika. Tubigan mo ulet ng konti, hintaying kumulo, and then hinaan ang apoy. Sagad sa pinakamahina. Hayaan mo lang syang kumulo pa hanggan sa naturally magmantika na ng kusa. Again, patience din naman kase.

Pork Binagoongan with Talong
Ingredients
Method
- Talong munaI-pan-fry ang talong hanggang lightly browned at malambot. Itabi.
- I-brown ang baboySa kaldero o kawali pakuluan ang baboy sa tubig – just enough na covered ang baboy mo. Hayaang kumulo at matuyo ang tubig hanggang sa magmatika ang baboy at medyo mag brown.
- Magsimulang mag-gisaItabi ang baboy sa isang gilid ng pan, at simulang mag-gisa (magdagdag ng mantika kung kinakailangan). Gisahin ang sibuyas hanggang sa mag translucent. Isunod ang bawang at gisahin hanggang maging aromatic. Ilagay na ang bagoong at hayaan magisa ng about 1 minute. After that, haluin na lahat hanggang ma-coat ng mga aromatics at bagoong ang baboy.
- Pakuluin at palambutinIbuhos ang tubig, idagdag ang siling haba at timplahan ng paminta. Hayaang kumulo sa malakas na apoy. Kapag kumukilo na, hinaan na ang apoy at ilagay ang suka. Hayaan kumulo ng mabuti without stirring para hindi mahilaw ang suka. After mga 2-3 minutes pwede mo na syang haluin, takpan, at pakuluan hanggang sa lumambot. Depende sa quality ng baboy kung gaano mo sya katagal pakukuluan, around 30–35 minutes pwede mo na tingnan kung malambot na.
- Timpla checkHabang chinecheck mo kung fork-tender na ang karne, check mo na din kung sakto na ba ang timpla. Pwede mong dagdagan ang bagoong kung nakukulangan ka sa alat, or dagdagan ng sili kung nakukulangan ka sa anghang.
- Final kuloKung sakto na ang lasa para sayo, pakuluan mo na lang hanggan sa ma-achieve kung anung bet mo – me sabaw ba or yung tuyo.Kung type mo yung nagmamantikang pork binagoongan, pakuluan mo sya ng walang takip hanggang sa tuluyang mag-evaporate ang sabaw at magsimulang lumabas ang mantika ng baboy.
- Ready to serveBago hanguin, pwede mong ihulog ang pritong talong. Pwede mo din naman na i-serve sya separately na parang side dish.
- Extra step para sa binagoongang baboy with gataKapag gusto mo ng pork binagoongan na may gata, sa step 4, after mo mailagay at maluto ang suka, pwede mo nang isunod ang gata. Make sure lang na mahina ang apoy habang nilalagay mo at hinahalo mo continuously. Wait for about 5 minutes or habang maiba na ang consistency ng sabaw. After that pakuluin lang in low heat hanggang sa lumambot ang karne.




