How to Cook Ginisang Bagoong

a bowl and a couple bottle of ginisang bagoong

Kung mahilig kang kumain ng manggang hilaw malamang pamilyar ka na sa ginisang bagoong. Lalo na yung ginisang bagoong na sawsawan ni manong vendor ng mangga (yung nasa jar with sticks, lol!). Pero kidding aside, yes, that bagoong. Ginisang bagoong.

Madami namang nabibili na naka-bote na bagoong sa mga groceries, or even sa palengke. Yung mga branded like Barrio Fiesta – actually, lagi akong meron nito sa kusina. Pero kapag nagluluto ng ulam, mas prefer ko gamitin yung ginisang bagoong na nabili ng hilaw sa palengke. Yung pink – meron ding walang kulay (very hilaw na alamang ang ichura) pero kadalasan medyo pink or mapula.

Well, fermented na din yun sympre, bagoong na talaga sya. Pero kailangan mong igisa kung di mo pa naman gagamitin lahat sa pagluluto. Lalo na kung balak mo pang i-stock sa ref for future use – like kung gusto mo mag-kare-kare, binagoongang baboy, bicol express, paksiw na isda, at iba pa.

Ano Nga Ba Ang Bagoong Alamang

Ang bagoong or bagoong alamang ay isa sa mga popular na pinoy condiment. Binuro itong malilit na hipon o alamang gamit ang asin. Iniimbak ito sa malalaking tapayan o container ng hanggang 30-90 days. Kadalasan may pinkish color ito gawa ng angkak (na ginagamit din pag gumagawa ng burong kanin).

Madami sa mga kabataan ngayon ang mas pamilyar sa bagoong alamang – I mean pag sinabing bagoong, eto yung naiisip nyo agad. You know, yung tineterno natin sa hilaw na mangga. Pero para alam mo din, meron ding bagoong na gawa sa isda (pero saka na natin sya pag-usapan, for this post’s purposes ang tinutukoy natin is bagoong alamang).

Ginisang Bagoong Ingredients

Kadalasan nabibili ang bagoong na hilaw sa palengke. Don’t worry pag nakita ka naman ni manang or manong tindera, tatanungin ka naman nyan kung gaano kadami gusto mo – normally me naka-ready na sila na naka-plastic na or naka-display yung ibat-ibang size ng pang-takal nila.

Pagdating sa bahay, wag mo na patagalin pa. Hanggat maari wag mo ilalagay sa ref ng hilaw at mangangamoy ang ref nyo. Worst, baka pati inuming tubig nyo maglasang something, haha! Kung talagang di mo pa siya maluluto ora-orada, ilagay mo muna yung buong plastic sa sealed container.

Huwag kang mag-alala at madali lang maggisa ng bagoong – literal na igigisa mo lang. Kailangan mo lang ng sibuyas, bawang, at kamatis (optional). Calamansi juice or suka at asukal pang-balanse ng lasa.

Depende kung anung variety ng ginisang bagoong ang gusto mo – kung sweet, spicy, mangangailangan ka din ng extra sugar at siling labuyo.

ginisang bagoong ingredients laid out on a marble counter

How to Cook Bagoong

Sa mainit na mantika sa kaldero o pan, igisa ang sibuyas and then bawang. Hayaan mo munang maging aromatic at saka mo i-add ang bagoong mo.

Yung iba naglalagay ng kamatis, pwede mo din i-try ang may kamatis kung gusto mo, isama mo lang sya sa pagigisa.

Kung meron kang available na taba ng baboy at willing kang medyo magspend ng time sa pagluluto ng ginisang bagoong then go ahead. Pakuluan ang ginayat na baboy sa konting tubig sa kaldero o kawali, hayaang kumulo ng kumulo hanggan sa mag-evaporate ang tubig at mag-start magmantika). Kapag lumabas na ang mantika saka sisimulan ang pag-gigisa.

Kapag nailgay mo na ang bagoong, pigaan mo ng 2-3 kalamansi, isama mo na din yung balat or yung pinagpigaang kalamansi rind. Kung wala kang mahagilap na kalamansi, lagyan mo na lang ng konting suka. Hayaan mo lang syang kumulo-kulo. Lagyan mo ng asukal at pakuluan pa more. After let’s say mga 15 minutes, ready na yan, may regular bagoong ka na. Unless gusto mo ng mas dry na bagoong then continue boiling until mas mag-evaporate na ang katas.

Sweet Bagoong

Now kung ang trip mong bagoong ay sweet, dagdagan mo lang ang asukal na ilalagay mo. Pwede kang gumamit ng pulang asukal para medyo mag-darken ang color. Baka magulat ka, madami-dami talagang asukal ang magagamit mo bago talagang maging sweet ito sa panlasa.

Remember, ang bagoong ay naturally maalat, so para makontra yun, madaming asukal ang kailangan. Pwede mo naman i-adjust as you go. Basta let it simmer for a few minutes muna para masigurado na humalo or nalusaw na yung nilagay mong asukal. Then, tikim-tikim lang. Pag di pa sweet enough, then add more sugar.

Spicy Bagoong

Kung katulad kita na mas gusto ang spicy bagoong, then sa paggigisa ng sibuyas at bawang, isama mo na din ang ginayat na siling labuyo (or siling malilit na kulay pula). As to gaano kadami depende kung gaano ka-spicy ang trip mo.

Keep in mind lang na yung kadalasang nabibili nating siling pula, maliit na slender, is not exactly labuyo. Ang legit labuyo is red na medyo stout looking. Anyway, okay naman sila pareho, although yung sili na yun is hindi kasing-anghang ng siling labuyo. Keep that in mind din, kase pwedeng lagyan mo ng 6 na silang pula yung bagoong mo, and it’ll turn out proper spicy, but when you add 6 na siling labuyo, baka too hot na for you.

Key tips, start with 2-3, then kung kulang pa ang anghang, dagdagan mo nalang later habang pinapakuluan mo pa.

Sweet and Spicy Bagoong

Pwede naman na yung prepared sweet bagoong mo ay lagyan mo na lang ng siling labuyo pag gagamitin na at sweet and spicy na din yun. Pero kung gusto mo na ready-made agad, then kapag nagluto ka ng either sweet bagoong or spicy bagoong, dagdagan mo lang ng siling labuyo or asukal. Pakuluan and yun lang, may sweet and spicy bagoong ka ng naka-stand by.

a bowl of ginisang bagoong with red chili on top for green mango dip

How to Serve Ginisang Bagoong

As to how to serve ginisang bagoong? Depende kung saan mo gagamitin (regular bagoong):

Kung ise-serve mo with kare-kare or paksiw, then straight forward lang. Serve as is sa isang platito.

Kung sawsawan ng pritong isda naman, pwedeng ihalo mo sya sa suka at lagyan ng sili. Or pwede namang omit the sili kung di mo bet ang maanghang.

Kung gagamitin bilang dressing ng ensalada – say ensaladang talong or ensaladang kangkong. Pigaan mo lang ng kalamansi yung bagoong, add diced sibuyas at kamatis (optional), and presto may dressing ka na.

Kung gagamitin mo sa pagluluto, for example ng binagoongang baboy, pakbet, or bicol express, then straightforward add mo lang sa paggigisa.

At kung sawsawan ng mangga (or kung anuman type mo isawsaw, say pineapple!), serve as is lang or pwede mo ding ihalo sa rock salt with dinurog na siling labuyo na merong konting asukal. (Here, perfect yung sweet or spicy bagoong mo!).

How to Store Ginisang Bagoong

Kapag naluto mo na ang ginisang bagoong mo, make sure na malinis yung paglalagyan mo. Malinis at airtight – ke bote or kung anumang container yan. Bukod sa para di umamoy ang ref mo, para din mas tumagal sya ng di nasisira.

Siguraduhin mo din na malamig na yan bago mo takpan at ipasok sa ref. Per experience, tumatagal sya sa kin ng 2-3 weeks (hindi ko rin kase ugali na mag-stock ng madami so minsan madali talaga syang nauubos).

Make sure din na gumagamit ka ng malinis at tuyong kutsara kapag kumukuha ka sa bote or sa lalagyan. Huwag mo na ding ibinabalik yung mga natira na di nagamit – lalo na kung me nagsawsaw na dyan, naku anak, it’s a no-no.

Kung gusto mong mas magtagal, maybe mga 2-3 months, pwede mo namang i-freezer. Say, maglagay ka ng konte sa mga zip lock bag at i-freeze mo, then ang idedefrost mo lang is yung gagamitin mo. Okay to, pero kung namamalengke ka namang regular, parang di naman na kailangan (lalo na kung limited lang ang space mo sa freezer).

Ready to cook?
The full ingredients and step-by-step instructions are in the recipe card below.

a bowl and a couple bottle of ginisang bagoong

Ginisang Bagoong (Regular, Sweet, Spicy, at Sweet & Spicy)

Madaling paraan ng pagluluto ng ginisang bagoong mula sa hilaw na bagoong alamang. Pwedeng gawing regular, sweet, spicy, o sweet and spicy—sakto bilang sawsawan o pangluto ng mga paboritong ulam.
Total Time 20 minutes

Ingredients
  

  • 1 cup hilaw na bagoong alamang
  • 2 tablespoons cooking oil
  • 1 medium onion (sliced)
  • 4 cloves garlic (minced)
  • 1-2 medium tomatoes (diced, optional)
  • 2-3 pieces calamansi (juice and rind)
  • 2-3 tablespoons vinegar (optional, kung wala kang calamansi)
  • 1-2 tablespoons sugar (adjust to taste, more kung gusto mo ng sweet bagoong)
  • 2-3 pieces siling labuyo (optional, kung gusto mo ng spicy bagoong)
  • 1/2 cup pork fat (cut into small pieces, optional)

Method
 

  1. Igisa ang aromatics.
    Painitin ang mantika sa kawali o kaldero. Igisa ang sibuyas hanggang maging malambot, saka idagdag ang bawang. Haluin hanggang maging mabango. Isunod ang kamatis at sili (kung spicy bagoong ang gusto mo).
    Kung gagamit ng baboy, pakuluan s akonting tubig hanggang sa magmantika, simulant ang paggigisa kapag lumabas na ang mantika.
  2. Idagdag ang bagoong.
    Ihalo ang hilaw na bagoong alamang. Haluin nang dahan-dahan at hayaang kumulo-kulo sa medium-low heat.
  3. Lagyan ng asim.
    Pigaan ng kalamansi ang bagoong at isama pati ang pinagpigaang balat. Kung suka ang gamit, idagdag ito ngayon. Huwag takpan.
  4. Timplahan at pakuluan.
    Ilagay ang calamansi juice, isama mo na din yung mismong rind (or suka kung wala kang kalamansi). Timplahan ng asukal at haluin (dagdagan ang asukal kung gusto ng sweet bagoong). Hayaang kumulo ng mga 15 minuto hanggang lumapot at mawala ang sobrang alat.
    Kung gusto mo ng mas tuyong bagoong, ipagpatuloy ang pagpapakulo hanggang mas mag-evaporate ang katas.
  5. Tikman at ayusin ang lasa.
    Tikman at i-adjust ang asukal o asim ayon sa panlasa. Kapag balanse na, patayin ang apoy at palamigin. Isalin sa malinis na bote or container (basta airtight) at ilagay sa ref.

Leave a Comment

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Recipe Rating