Nakalakihan ko na kapag Sunday, automatic yan, family day yan. Meaning dun kami kakain kina lola. Sa case namin, lola sa father side since nakatira kami sa compound with lola sa mother side. Magulo ba? Well, I guess the point at the time was mag-spend ng Sunday sa lola na di mo lagi kasama everyday.
Anyway, sympre now kami na ang nagpapa-family Sunday! So kita-kita pag Sunday with other siblings with their family as well. In total, 16 kami na nagsasalo-salo together. Nung una, inaabot ng hanggang dinner, but of lately, since busy din at may kanya-kanya din namang ganap – up until merienda na lang. Yung mga tirang ulam sa tanghalian, take home na lang yun ala-Sharonian!
Anu Bang Ganap Tuwing Family Sunday?
Anu nga ba? Lot’s of kainan with a lot of kwentuhan on the side. It’s the day na magkikita-kita kayo ng family mo na hindi mo usually nakakasama during weekdays. May times na very random lang ang chikahan at may mga pagkakataon din naman na serious ang pinag-uusapan. Anything goes talaga. Even sa food. Basta ang importante, nagkikita-kita.
Since kinalakihan ko nga na may family Sunday, I didn’t realize na hindi pala lahat may ganon. I guess it became a tradition na lang dahil itinuloy namin. Ngayon, kapag merong may birthday (or kung anumang okasyon), automatic yan, Sunday ang celebration. Talo-talo na lang kung saang Sunday mas malapit ang okasyon na ise-celebrate – pwedeng advance or belated.
What Makes Family Day Special?
Espesyal ang family Sunday but not because special ang niluluto. Yes, sometimes merong kakaiba na Sunday menu pero kadalasan normal lutong bahay lang naman din. Special lang talaga ang family day simply because sama-sama kayong kumakain. Eto yung araw na di lang kayo basta nagkikita-kita pero nagkakasalo-salo din, plus of course, yung chismisan (este, catching-up, pala), after.
Kadalasan nga ang gulo-gulo ang ingay-ingay, akala mo naman kung ano pinagsasalu-saluhan. I guess it all boils down to the fact, that nami-miss nyo din naman talaga ang isat-isa at naha-happy din naman kayo tuwing magkakasama.
Sunday Menu: Tanghalian at Merienda
Depende ang Sunday menu kung may pa-okasyon. For instance, kapag merong may pa-birthday, usually sagot nya ang tanghalian or merienda. No pressure naman of course. Being the host, I try to make it special naman palagi (in my own way, of course).
Let’s say since birthday mo ngayon, yung favorite ulam mo ang lulutuin ko. Kung may extra time, yung favorite snack mo din ang gagawin ko kahit ma-trabaho pa yan (otherwise, automatic – spaghetti or carbonara yan!).
During normal Sundays naman (meaning walang may birthday or job promotion, or mother’s/father’s day, or graduation, or what), per usual din ang menu. Normally mga lutong bahay na cooked lang sympre na pang-maramihan. Usually around 3 kilos ang mga niluluto ko (sumosobra naman, kaya nga may pa-take home pa kadalasan).
For merienda – depende na lang din sa mood ng nagluluto (yours truly), pwedeng something ma-trabaho like pansit palabok or something simple like palitaw. Again, ang importante naman is sama-sama at kahit paano may pinagsasalo-saluhan.
Sunday Lunch Ideas for Family Day
Like I said, normally naman, walang sobrang kaka-iba kapag family day except niluluto mo ng madamihan sympre. Pero may instances din na nag-eefort ako ng todo or nagta-try ng ibang recipes. Depende na lang talaga how much time I can spare that particular Sunday and kung kompleto pa rekados ko sa kusina.
So for Sunday lunch ideas, check nyo tong usual na mga niluluto ko:
- Binagoongang baboy
- Chicken Masala*
- Beef Kaldereta
- Menudo
- Bopis**
- Chicken Inasal
- Inihaw na Liempo
- Beef Masala*
- Chicken Pastil
- Crispy Pata
- Pork BBQ
- Inihaw/Pritong Tilapia
- Dinuguan
- Pork/Beef Kare-Kare
- Chicken Curry
- Lumpiang Shanghai
- Sinigang na Beef/Baboy
- Bulalo
- Paksiw na Pata**
- Kaldertang Ribs
- Laing**
- Fried Chicken
*my own version, of course – not to be confused with legit masala recipe
**kailangan may iba pang ka-terno since hindi bet ng mga bagets

Merienda Ideas for Family Sunday
Karaniwan kung may okasyon, merong sumasagot ng merienda. Say sasabihin oorder ng pansit or ice cream, or maki, or kung anuman). I still cook pa din, bale madadagdagan lang kung anuman ang merienda na niluto ko.
For merienda ideas tuwing family Sunday, here’s my list:
- Spaghetti
- Carbonara
- Pansit Guisado
- Pansit Palabok
- Baked Macaroni
- Sotanghon
- Sopas
- Palitaw
- Ginataang Bilo-bilo
- Goto
- French Fries-Fish Ball-Kikiam combo
- Lumpiang Toge

Sunday Family Day Tradition: Pass or Must-Have?
Kung wala pa kayong family day, it’s not too late to start a tradition of your own. Yes, ine-effort-an din talaga and of course, me budget involved din. Pero I think, in the end, it’s all worth it naman. Para sa akin it’s a must-have.
Siguro in terms of effort and budgeting, salitan mo na lang na mga simpleng recipes para naman hindi ka laging nagkukumahog pag Sunday at para hindi rin butas ang bulsa mo. Because aminin natin, para maging consistent ang isang bagay dapat i-consider din ang budget lalo na kung gusto mo talaga siyang maging Sunday tradition.
Effort din of course para sa ibang family members na mag-allot ng day para makapunta sa pa-family Sunday mo. Maybe meron din naman silang ibang ganap kapag Sunday or baka gusto nilang mag-pahinga lang kapag Sunday. The fact that they choose to be involved sa pa-get together mo, that in itself is already an effort.
Perhaps sa umpisa baka magkapaan pa kayo – like sino magluluto, sino magho-host, sino magliligpit, sino mag-aambag, and all that. Pero eventually, mafi-figure out nyo din yan. Ang bottom line sympre lagi is gusto nyo lang ng isang araw na magkakasama-sama kayo.
Para makapag-catch up naman kung anu na ganap sa buhay ng isat’ isa. Malaman nyo man lang na o baka tong si utol or si sis or si bro eh medyo need pala ng support (either moral or financial). Or ito pa lang si pamangkin eh ga-graduate na, or gusto pala ng bagong bike or whatever.
Minsan nga kung anu-anu lang din naman ang pinagchi-chismisan – pero it helps, it heals you somehow. Yung thought na alam mong kung anuman nangyayari sa buhay mo (maganda man or hindi), mero ka pa ding pamilya na na babalik-balikan.
Ikaw, Ano sa Tingin Mo?
I know, not all families are ‘okay’ when they’re together – sympre hindi maiiwasan na may kanya-kanyang isyu yang mga yan. Good enough reason to say pass sa ganitong tradition. Pero my take on that? The more that you need a family day! (More on this later siguro, haha! Pero go, let’s discuss sa comment section if meron kayong say about this.)
So you see, Sunday family day, is a collective effort para maging successful. Effort both sa nagho-host at sa mga family members na nagpa-participate. That said, kudos sa mga pamilya na nagpipilit maglaan ng panahon at effort para lang magkaroon ng family day!
Pass or must-have?

