AbouT Us
Paminggalan
Bakit May Paminggalan
Usong-uso na ngayon ang pag-order ng pagkain online, very accessible. In fact, ako mismo, may dalawang food app sa phone ngayon. Pero correct me if I’m wrong, iba pa din ang lutong bahay (plus of course, yung tipid factor). Kaya naisip ko buuin ang Paminggalan – para sa mga gusto naman ding mag-try sa pagluluto at hindi puro order or instant food na lang.
Ang literal na paminggalan ay taguan ng mga pagkain. Growing up nakita ko to sa bahay ng lola ko, laging may palayok sa loob o kaya maliit na kaldero. Kadalasan halabos na isda ang laman at lamig na kanin.
So napisip ako, how about a paminggalan-like website na pwedeng i-browse pag naghahanap ng ulam…and that anak, is the origin story.


Si Inang Maria
A certified gen-Xer, di man perfect madami dami na din naman akong natutunan – sa kusina, that is (Sa life? Hmmm, hayaan na natin sa mga life coaches yan, haha!). Basta ang goal ko makatulong sa mga millenials and gen z (or of course basically whoever wants to learn, very inclusive tayo dito) na makapagluto on their own.
Iba ang confidence pag alam mong kaya mo namang lutuin. Na oorder ka lang or kakain sa labas kase you’re not just feeling it or gusto mo lang i-treat ang sarili mo. At aminin, nakaka-proud din naman talaga kapag nadadagdagan yung mga alam nating lutuin. Big factor din sympre na nakakatipid ka pag lutong bahay (lalo na yung mga may pamilya na diyan or nagsosolo-living na).
At gaya ng sinabi ko, “ang pagluluto ay hindi kailangang perfect — mas importante na sinusubukan at may genuine intent.” Okay lang kung medyo nahilaw or napa-too golden brown. Kadalasan naman, kung anu man yan, kaya naman maremedyohan. At kung hindi man…eh di charge to lesson learned yan!
Anuman ang cooking skill level mo, pasok ka dito. We’ll do it gently. Slowly even. Sabay nating aralin uli ang basics ng cooking. Explore natin kung hanggang ilang dishes ang matututunan mong lutin. Basta ready ka magtry at gusto mo talagang matuto, dedma na sa mga ‘what if’ – focus tayo sa ‘anung ulam kaya lulutuin ko today?’
